“And the winner for Miss Gay Wakwak 2012 is… Candidate number 13, Miss Portugal!”
Umarte pa ako na kunyare ah gulantang sa say ng announcer. Eh hello naman? Sino pa nga ba ang magwawagi kundi ang kagandahan ko. Tingnan mo naman ang mga feslak ng mga hitad! Mukhang sinapak lang sa sobrang kapal ng blash on at lipstick.
Wiz akong papayag na hindi ako ang tanghaling kampyonelya!
Winner ang beauty ng lola mo!
Speaking of lola, nasa-sighting ko na si Lola Sushmita. Hindi na naman tumabi sa friendship kong si Lianne. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw niya sa BFF ko samantalang mala-Angel Locsin ang kabaitan ng hitad. Pero ang feslak! Sorry to say… Hindi nagmana sa lola mong beauty much!
Tingnan mo to. Sinabi ko nang mag-foundation man lang o face powder eh. Nagmamantika na naman ang feslak niyang dirty brown. Nagmamakaawa na ang mga pimples na kumawala dahil wala nang paglagyan. Hindi man lang nagsuklay. Ay! Wiz! Inborn na pala ang binagyo niyang hair. Ayaw kasi jumoin sa kin sa parlor para makapag-make-over.
Aminado naman siya na wala siya sa kalingkingan ng talampakan ko… Bwahahaha… Pero labsusung ko yan. Not in a relationship way but in a BFF way. Naku, katayin niyo na lang ako kesa mainlababo sa kauri kong girl!
Anyway, kukunin ko muna sa reigning Miss Gay Wakwak 2011 ang crown. Ampogi ng announcer at kanina pa ko tinutunaw sa titig. Ahah! Bagong boylet. Pero ibe-break ko muna si Mando na sekyu sa Jolibee. Mukha kasing pineperahan lang ako mula ng ma-knows na hindi ako trulili girlash.
Nakita ko si Lianne na standing ovation sa pagka-Winnie the Pooh ko! Napakabait talaga ng taong iyan.
Opo. Tao siya. Bwahahaha. Hindi masyadong obvious.
Siya na ang tumayong sisterlet, brotherhood, motherlu ko kasi hindi naman keribels ni lola mag-isa na alagaan ako. So kapag may oras si Lianne, meaning araw-araw, ay pumupunta siya sa bahay. Parang mas jowa ko pa siya kesa kay Mando. Magaling magluto, maglaba, maglinis. O diba? Instant maid ang drama. Hahaha.
In return, nililibre ko siya sa mga famous restaurants like KFBee, Mc-Inasal, Luto ng Ina mo, Chowqueen, at ang peborit niya, Karen-deriya. Anak kasi ni Aling Karen si Kaloy, ang machong tindero, na supah crush ni Lianne.
Maliit lang din kasi ang sweldo niya bilang saleslady sa isang stall ng mga damit sa mall.
“Dapat pa ba kitang i-congrats? Sanay ka naman na yata eh,” say ng hitad.
“Syempre naman. Need ko pa rin ang support ng BFF ko.”
Sabay na kaming rumampage pauwi with my gown and crown.
“Samahan mo naman ako bukas sa mall. Bibili ako ng panregalo kay Lindsay.”
Si Lindsay ang prettyful niyang sisterlet na rarampage na sa church for wedding next week. “Of course golf course! Bibili na rin ako ng bagong gown para sa susunod na contest.”
Ay! Excited na naman akey sa next sagupaan ng kagandahan sa mundo ng kabaklaan.
BINABASA MO ANG
Pangit ka. Bakla ako.
HumorInyong subaybayan ang kakaiba, kamanghamangha, at makabagbag-damdaming kwento ng magkaibigang Lianne at Prisca. Tala ng May-akda: Hindi na ako maglalagay ng kahulugan sa mga kawikaan ng bakla. Bahala na lang kayong umintindi at dumugo ang ilong sa k...