Chapter 1: His Blue Eyes

7 0 0
                                    

Chapter 1 –Blue Eyes


Radha's Point of View



"Alright, I was the one who hurts her first, now happy?" I said with a crying tone. "That's because, I love you.  Please, ako na lang." lumuhod na ako sa harapan nya at hinawakan ko ang mga paa nya.


Sana naman tumalab yung acting skills ko, kung hindi lang 'to dapat gawin, I would rather kicked him in the ass. Napansin ko na lang na nakayukom ang mga kamao nya, I was about to think kung ano ang pwede nyang gawin sa kin.


"Get away from me Radha!" sabay tulak nya sa kin. Nakasalampak ako ngayon sa sahig. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ko inakala na sasaktan lang ako ng bullsh*t na lalaking 'to.


"And don't you f*cking dare hurt my girlfriend ever again!" He shouted at me. And he left me dumbfounded.


What?! Aba, mahal niya talaga ang girlfriend niya ha. Bwiset, sayang lang yung luha ko sa dare na 'to. Maya-maya'y may narinig akong  tumawag sa pangalan ko.


"Radha!" tumatakbong papalapit sya sa 'kin.


"Hey." I said at saka tumayo.


"Oh My Gosh, I told you already na huwag mo nang ituloy yung dare natin eh, alam mo namang hindi siya makikinig and besides, nakikita ko naman na he really loves his girlfriend. Swerte ni Stella noh?" she said habang naglalakad kami paalis ng corridor.


Our dare was about Stella, yung b*tch na yun, nagtangka kasi siyang kumuha ng mga test files after ng final exams sa faculty para tuluyan akong bumagsak, buti na lang at nakita ni Nathalie at ayun, nasampolan ko sa Girl's Comfort Room, at nagsumbong naman siya sa boyfriend niya. At para may twist, nag dare nga sa'kin si Nathalie na sabihin ko daw sa boyfriend ni Stella na kaya nagawa ko yun sa gf niya that's because I love him, nagawa ko nga but it isn't effective.




**




"I can drive bestie, sige na uuwi na tayo." I said calmly to her habang siya ay nakaharang sa kotse ko. Kanina pag alis namin sa university, we went to Anivia bar then we drink, hindi naman basta bastang bar yun, it's private and yung mga may VIP membership card lang ang nakakapasok. Katatapos lang namin uminom and now, nandito kami ngayon sa parking lot ng bar and konti na lang masasabunutan ko na 'tong babaeng 'to kahit bestfriend ko pa siya. Over conservative.


"Hoy, FYI ang dami mo kayang nainom na margarita, and besides *huk* baka kung sino sino ang mag "hi ate" sa'yo." Ako pa ang madaming nainom ha? Eh kanina nga parang siya pa yung nag ce-celebrate sa dami ng shots niya. And yes, we celebrate for something we did and for what happened earlier.


"Ihahatid na lang kita ha? Common bestie, I'll drive please?" pa cute kong sabi. Yuck lang. Sa ganitong paraan lang kasi siya susunod sa gusto ko.

Radha: The Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon