REMINISCENCE 1

3 1 0
                                    

Chapter One

Hindi ako makahinga. Parang may bumabara sa lalamunan at ilong ko para makasagap ng hangin.

Isang puwersa ang naramdaman ko sa aking dibdib. I felt someone's hand on my chest, forcely pumping as if they're trying to save me.

Nakarinig ako ng ingay sa paligid. Iyakan at sigawan na hindi ko alam kung bakit. Hindi naman iiyak si Tita o kahit isang kamag-anak ko sa akin. Magsasayang lang sila ng oras unless they care for me.

Napaubo ako ng maramdaman na may tubig na dumaloy sa aking ilong. May tubig na lumabas sa aking bibig. Humugot ako ng malalim na hininga na para bang pinagkait sa akin iyon. Isang palad ang tumapik sa aking likod.

Sunod-sunod na iyakan ang nadinig ko. Pumikit-pikit ang aking mata, nag-aadjust sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Sumulubong sa akin ang mga mga puno at bulaklak. Bumaba ang tingin ko sa magandang lawa na may mga waterlily. Kumikinang ang tubig sa tama ng sinag ng araw.

Iyan ba kaganda ang tinalunan ko kagabi?

"Lady Aislinn!" isang yakap ang natanggap ko. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Hindi ako nakapag-salita hanggang sa lumayo siya sa akin. Doon ko lang napansin na madami pala akong kasama doon.

Pairs of unfamiliar eyes were looking at me. Isa-isa ko silang tiningnan. May nagpupunas ng mata, may nagyayakapan at may nakahinga ng maluwag nang makita ako. Teka, sino ba sila?

"Huwag mo na po iyon uulitan, Lady Aislinn."

"Nag-alala po kami sa'yo."

Naguguluhan ko silang tiningnan. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-sasabi. Una sa lahat ay hindi ko sila kilala. Pangalawa...

Tiningnan ko ang aking paligid. Walang mga sasakyan akong nakikita maliban sa payapang gubat. May magandang tulay sa gitna ng lawa.

Tulay naman ang tinalunan ko kagabi ah.

Pumikit ako ng mariin. Nasaan ako? Saan ako tinangay ng tubig? Sinapo ko ang aking ulo dahil parang mabibiyak na iyon kakaisip sa nangyari. Naguguluhan ako.

"Ayos ka lang po ba, Lady Aislinn?" tanong ng isang babae na nasa tabi ko.

Kumunot ang aking noo. Aislinn? Tiningnan ko siya sa mga mata. Nagulat siya sa aking ginawa at yumuko sa akin.

"W-what did you called me?" Tanong ko sa kaniya.

Naguguluhan niya akong tiningnan. Maging ang mga nandoon ay natatakang nakatingin sa akin. "L-lady Aislinn po."

Huh? Aislinn? Isn't that the character that my Mamu told me? Pero ako? Si Aislinn?

Bumaba ang tingin ko sa aking suot. Umawang ang labi ko nang makita na basang-basa ang suot kong kulay pula na dress. Strap iyon sa aking balikat at parang bulaklak ang palda na namumukadkad.

Hindi ba kulay puti ang suot ko kagabi?! What the freak is happening?!

Mabilis akong tumayo sa pagkaka-upo. Nagsinghapan sila sa mabilis kong kilos pero wala na akong pakialam.

"Lady Aislinn, kailangan niyo po munang magpahinga."

Hinarap ko ang nagsalita at hinawakan siya sa kaniyang balikat. Namimilog ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Nasaan ako? Sino kayo? Bakit ako nandito ha?!" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"L-lady Aislinn?" takot niyang ani sa akin.

Umatras ako palayo sa kaniya. Tiningnan ko silang lahat na may takot sa mga mata. Sinasalamin naman sila ang emosiyon sa aking mukha.

Rhythm of ReminiscenceWhere stories live. Discover now