"Hoy, cath.." pagtawag ni Lucas sa atensyon ko.
"Ha? Ano 'yun?" nagtatakang tanong ko.
"Kanina ka pa walang imik simula ng pagdating natin, mukhang may malalim kang iniisip" dagdag pa nito.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria, nag-bebreakfast dahil hindi pa kami kumakain.
"Ah wala, inaalala ko lang schedule ko for today" pilit na ngiti ko.
Pagdating namin sa university ay may pupuntahan pa raw si vince kaya nauna na kami sa cafeteria.
"Alam mo naman na diba?" saad ni Lucas
"Na alin?" tanong ko.
"Ay shala ka, hindi mo pa pala alam?" dagdag pa nito.
"Shuta ka kung alam ko eh magtatanong ba ako?" reklamo ko.
"Dito na ulit si Vince mag aaral-"
*Cough*
Nalunok ko ang kapiraso ng hotdog kaya nabulunan ako. Inabutan naman ako ni Lucas ng tubig.
"What the heck, magpapakamatay ka ba?" saad nito habang hinihimas ang likuran ko.
"Seryoso ka ba?"naguguluhang tanong ko.
"Yes, he told me." sagot nito.
"Akala ko kaya siya sumama is may kukunin siyang documents niya sa dean's office" Saad ko.
"No, actually magpapasa siya ng form para makapasok ulit dito"
"Pero, diba sa states na siya nag-aaral? Bakit siya bumalik?" Tanong ko rito. Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
"It's about family, you know masyadong magulo kaya kailangan muna bumalik sa basic" sagot ni Vince sabay upo sa tabi ko.
"Nandyan ka na pala, mag order kana ng food mo" utos ni Lucas sa kaniya
"Yes master" saad nito sabay ang alis.
Napatingin ako sa phone ko at nanlaki ang mata ko sa nakita. 11 na omg.
Pagkaalis nito ay nagpaalam na ako kay Lucas na may klase pa ako.Dali-dali akong tumakbo papuntang third floor. Pagdating ko sa room ay nagsisimula na ang discussion. Huminga ako ng malalim bago kumatok.
"Ah..Ma'am, good morning po, is this the history class po?" nahihiyang tanong ko.
"Yes" sagot naman nito
"Sorry I'm late" nahihiyang saad ko. All of the students are staring at me.
"Go on. Pumasok kana." nagulat ako sa naging sagot nito pero kaagad akong nagpasalamat at umupo sa bakanteng upuan sa bandang gitna. I'm so embarrassed.
"Like what I said..." The professor continue to her discussion, nilabas ko naman ang notes ko about this topic. Habang nagsusulat ay nalaglag ang ballpen ko. Nang pupulutin ko na ito ay may kumuha kaagad.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang katabi ko. WHAT THE HELL!
"You dropped this" nakangiting saad ni Camillo.
Kaagad ko naman na binawi ang ballpen at nag-take notes.
Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makapag-focus, minsan kapag napapasulyap ako sa kaniya nagtatama ang mga mata namin. Hindi naman ako pwedeng umalis because this is one of my major. This day sucks.
Natapos ang dalawang oras discussion. Naglabasan na lahat ng estudyante, nakita ko naman na lumabas si Camillo kaya nakahinga ako ng maluwag. Isinuot ko ang earphones ko and played a song. Lover by Taylor Swift.
BINABASA MO ANG
Time-Bound
Teen FictionAfter the accident, Catherine Abad discovered that she could travel to the future. She saw what would happen in the future, so she is trying to correct things in the present to avoid it. Will she be able to succeed?