Today is Friday and I'm with Cleo, Vince, and Lucas. Absent na naman si Bea, as always.
After ko siyang with Camillo, hindi niya na ulit ako kinakausap. I have a lot of questions in my mind pero mas pinili ko na lang manahimik.
We're at the library and busy sila sa mga binabasa nila samantalang ako nakatulala lang.
"It's weird right? ipapakilala ka sa parents kahit walang kayo?" tanong ko sa sarili ko.
Natigil naman ang tatlo sa pagbabasa at sabay-sabay na napatingin sa akin. Ay napalakas ba?
"Ay sorry, sige mag-aral na ulit kayo" ngiting asong saad ko.
"It's not weird, kahit sino naman pwede ipakilala, kahit friends or what" sagot ni Cleo
"Pero paano kapag pinakilala ka as girlfriend?" mas lalo kaming nabalot ng katahimikan at nagtinginan.
"Don't tell me tinutukoy mo sarili mo?" usisa ni Lucas
Nanlaki naman nag mata ko at napailing. "Uhm hindi ah, may nabasa lang kasi akong libro" pagdadahilan ko.
"Kailan ka pa nahilig magbasa ng libro?" Vince asked. OMG PANIRA TALAGA 'TO.
"Uhm ano, kahapon lang. Hindi ba pwede magka-interes" nauutal na saad ko at pakunwaring kumuha ng libro at nagkunwaring nagbabasa. Ang akward kasi.
PAANO KAPAG NALAMAN NILA? OMG AYOKO, NAKAKAHIYA.
"Baliktad 'yung libro sissy" kalabit sa akin ni Cleo.
Natawa silang tatlo kaya mas lalo akong nailang. Hinablot ko ang bag ko ang nagwalk-out. Nakasalubong ko si bea, napatigil ako sa harap nito pero dinaanan niya lang ako.
"Bea" pagtawag ko rito na ikinahinto niya.
Kaagad naman akong lumapit sakaniya. "Iniiwasan mo ba ako?" Diretsang tanong ko.
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at nagdiretso ng lakad. "BEA, KINAKAUSAP KITA!" sigaw ko dahilan oara pagtinginan kami ng mga tao, pero kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapansin.
Kailangan kong makalayo sa kanila grabe na ang kahihiyan.
Napagtanto ko naman na I'm heading towards the clinic kaya napahinto ako. WHAT THE FUCK IS WRONG WITH ME. BAKIT PARANG MAY HINAHANAP AKO NA HINDI MAKITA NG MGA MATA KO.
Naisipan ko na lang bumalik sa A building to attend my last class. Pero hindi pa man ako nakakalayo, I saw Vince rushing towards to the laboratory room.
Wala sa sarili'y sinusundan ko siya and make sure na hindi niya ako mapapansin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong nakasunod si Bea rito, are they trying to hide something?
Nagmamadali akong lumapit sa kanila pero hindi nila ako napansin, napalingon ako dahil pakiramdam ko may nakasunod sa akin. Pagbalik ko ng tingin sa kinatatayuan nila Vince kanina hindi ko na sila makita. I tried to look for them pero bigla na lang silang naglaho na parang bula.
Naisipan ko na lang dumiretso sa class ko. Habang nagkaklase, hindi pa rin talaga ako mapalagay. I know that there is something going on. They're childhood best friends kaya natural lang na nag-uusap sila hindi ba? Pero curiosity kills me, what if may tinatago talaga sila.
Natapos ang class and wala talaga akong naintindihan.
Papalabas na ako ng room nang mapansin ko na nagkukumpulan ang mga babae sa tapat ng pinto, what's going on?
Pinagtutulak ko sila para lang makadaan, napatigil ako ng makita ko sino ang pinagkukumpulan, sino pa nga ba?
"Babe nandiyan ka na pala, let's go" nakangiting bati nito sa akin. Tinarayan ko lang ito at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Time-Bound
Teen FictionAfter the accident, Catherine Abad discovered that she could travel to the future. She saw what would happen in the future, so she is trying to correct things in the present to avoid it. Will she be able to succeed?