Safe:Chapter 1- Safira.
Ang kwarto ko.. Ang pinakaligtas na lugar sa buong buhay ko.. At Ang sarili ko. Ang mapagkakatiwalaan ko.
Pagkatapos isulat yon ay agad nyang isinara ang lumang notebook nya nuong kinder pa lamang..
Napatingin sya sa labas ng kanyang bintana.. Walang mga bituin .. Kahit na ang buwan ay wala..
Gamit ang dilim at ang mata ay pinilit nyang aninagin ang isang munting kumukutitap na liwanag sa isang bahagi ng langit. Pinatay ang maliit na
Lamp shade na nagsisilbing ilaw sa buong magdamag.
Napangiti sya ng nagdilim na ng tuluyan ang paligid.
May isa pa pala..
Isang bituin ang naaninag nya ... Isa .. Maliit ito at sobrang layo.. Isang simpleng bituin.. Isang simpleng liwanag na nanggagaling sa langit..
Matapos pagsawaan ang tanawing halos di na abot ng ibang mata ay humiga na sya sa kanyang kama.. Ipinatung ang isang braso sa noo
Bukas ... Isang
Bagong araw nanaman ... Ng pag iingat.>> >> >> × << << <<
Isinara nya ang bintana ng kwarto at nilock ito. Pagkatapos ay kinuha nya ang bag at lumabas na ng kwarto. Inilock ito at bumaba na ng apartment. Nagsimula na itong magpidal papunta sa kanyang eskwelahan .. Itinabi nya ang bike sa parking lot ng eskwelahan at pumunta na sa assigned room .. Ng nakayuko.
Nang makapasok ay pumwesto ito sa pinakadulo at inilabas ang isang kwaderno na susulatan nya ng mga kakailanganin nila sa klase. Nakayuko lamang sya at tinatakpan ng mahaba at tuwid na buhok ang muka na halos hanggang balakang na nya..
Habang ang ibang mga kaklase ay nag iingay at nagmimistula ng mga bubuyog. Nawala lamang ang ingay ng bumukas ang pinto at bumungad ang isang maganda at matangkad na babae .. Nakasalamin ito at masyadong kalmado ang ekspresyon.. Pumunta ito sa harap at nagpakilala.
"You can call me Ms.Rhina..I am your class adviser for this year.."-pagkatapos ay nagpakawala ito ng matamis na ngiti sa buong klase.."so.. Since we have transferees here can you introde yourself one by one?"
"Yes ma'am!"-sabay na sabi ng buong klase ..
>> >> >> × << <<
Maayos naman ang takbo ng klase at mababait naman ang mga naging kaklase nya...
Pauwi na sya ngayon ng tawagin sya ng isa nyang kaklase.
"Pwede bang makisabay ng uwi?? Wala kasi akong kasama eh. Malapit lang naman ang house nyo diba? If okay lang sayo.. By the way .. I'm Chloe,Kong naaalala Mo pa. "-masuyong sabi ng kanyang kaklase .. Nang Hindi makasagut ay hinila na sya ng kaklase .. Muntik pang mabitawan ang kanyang bisikletang hawak.
Naglakad sila palabas ng eskwelahan at habang naglalakad ay nagkukwento naman ang kanyang kaklase .. Mabait ito at kwela,Hindi maarte at simple ..masiyahin din at Maingay..
"Alam Mo ba girl blah blah blah blah"
Nakikinig lamang sya sa mga pinagsasabi ng kaklase. Hindi sya nagsasalita.. Tanging tango at matipid na ngiti lamang ang naitutugon nya.
"Ay wait girl .. I'll fix my sintas muna ah .. Wait ka lang there ahh"-sabi nito habang inaayos ang sintas ng sapatos.
Hindi sya nakapagsalita ng may biglang tumakip ng bibig nya .. Hindi nya matawag ang kaklase dahil bukod sa may kalayuan ang pwesto nito ay may takip din ang kanyang bibig .. Nagpumiglas sya ng nagpumiglas ngunit huli na ng maramdamang nawawalan na ng lakas at nawalan na sya ng Malay.
>> >> >> × << <<
Nagising nalamang sya na nakagapos at nakatali sa isang kama na may itim na bedsheet at itim na unan..
Inilibot nya ang kanyang paningin. Nasa isang kwarto sya na tanging ang kama at sya lamang ang laman.walang kahit na ano. Kahit pinto o bintana ay wala.
Bakit Ako nandito?
Naguguluhang tanong nya sa sarili.. ilang sandali pa ay nakarinig sya ng mga yabag . ngunit Hindi nya malaman kong saan nanggaling iyon .. nagkunwari na lamang syang natutulog at Hindi gumalaw.
"Kahit kelan talaga ay Hindi ka parin marunong magtago,ano?"
nanlamig ang kanyang pakiramdam at nahugot ang kanyang hininga.dahil sa kaba ay biglang nanginig at napadilat .. Ngunit.
Wala syang makita.
..
Nakarinig sya ng pagkabasag ng salamin at mga putol ng baril.mga boses na nagsisigawan at mga kalabug.
Pilit nyang inaaninag ang mga nasa paligid pero wala syang makita.
Nakaramdam sya ng sobrang takot ng may mga kamay na humawak sa kanya. Naramdaman nyang binubuhat sya nito .. Biglang tumahimik ang paligid.
ngunit isang tinig ang biglang umalingawngaw.
"MAMATAY KANA SAFIRA!"
---------
Sorry sa mga typos and wrong grammars .
Hope you enjoyed it.:)
Unedited :) ..