Safe:Chapter 2- Him
Naimulat nya ang kanyang mga mata. Nakaupo sya sa isang bench sa isang parke. Mahangin. Malinis . at tahimik. Walang mga tao. Kundi mga puno.mga upuan.at mga ibon na nagliliparan.
Nakapwesto sya sa may dulong gitnang bahagi ng parke.may puno sa likod nito kaya Hindi sya nasisinagan ng init ng araw ..
Nagpalinga-linga sya... Walang kahit na sino.
Tatayo na sana at aalis nang biglang natigilan .. May mga mabibigat na mga bagay ang lumapat sa kanyang balikat ..
Mga kamay ..
Naihugot ang hininga at napakapit sa laylayan ng damit na walang disenyo kundi isang simpleng blouse na kulay puti .. Gumapang ang pangingilabot ng maramdaman ang hininga ng tao sa kanyang tenga at halos muntik na syang mahimatay ngmarinigangmalalimna boses nito ..
"Hindi Mo Ako matatakasan..Tandaan Mo yan,Safira" .. Nakakapangilabot ang boses nito. . . tunog .. Dimonyo .. "HINDI!!"
———-
Naghahabol ng hininga habang marahas na iminulat ang kanyang mata .. Tumambad ang pamilyar na kisame at ang liwanag ng araw galing sa bintanang gawa sa salamin..
Isa lang palang .. Bangungut..
Naipatung ang braso sa noo at napaluwang ang kapit sa kumot.... Sandali .. Kumot..
Gapos......boses....putukan......kamay...
Agad na bumangot ng maalala ang nangyari kahapon.. Ngunit tumambad ang kwartong tinutuluyan .. Inilibot ang paningin at nakitang nasa gilid ng kama ang bag na gamit kahapon..
Panong ..
Agad na tumayo at tumakbo papunta sa banyo .. At nakitang nakababad na ang uniform na ginamit kahapon.. Pinihit ang pinto ng kwarto .. Lock mula sa loob.. Tinignan ang suot na damit .. Nakapangbahay na sya ..
Kongganun... Isa lamang pala iyongpanaginip??pero .. Bakitparang totoo??
Nanlaki ang mga mata nang mapatingin sa orasan .. 20 mins nalang at mahuhuli na sya sa kanilang klase..
Agad syang naligo at nagbihis.. Nagtimpla nalamang sya ng gatas upang mainitan ang kanyang kalamnan.. kahit nakakaramdam ng kirot sa likod ay pinilit na suotin ang pedyas dahil sa pagmamadali..
Pagkatapos inumin ang gatas at mag tooth brash ay nagmamadaling kinuha ang bag at umalis na ...
>> >> >> × << <<
Napatigil sa paglalakad ng makita ang kaklaseng si Chloe na nakapout at nakacross arms na parang hinihintay syang dumating .. Masama din ang tingin nito sa kanya na parang may nagawa syang kasalanan..
"You're so madaya yesterday"
Sabi nito habang nakaharang sa dinadaanan nya..nagtatakang ekspresyon lang ang kanyang naitugon..
"You iwan me kahapon .. Im so natakot kaya .. Hmmp! Were not bati hmmp!" Aniya nito sabay alis... Padabug itong pumasok sa loob kasabay ang pagtunog ng bell ..
Ano ... Daw??
Buong klase ay Hindi sya pinansin ni Chloe. Nakabusangut lang ang muka nito habang diretsyong nakatingin sa harapan.
Ano bang nagawa ko?
Ni isang sulyap ay Hindi ayaw nito binigyan .. Kahit magkatabi lang sila ay di sya nito pinansin.. Di naman nya alam ang nagawa
Bakit ba Ako .. Nag iisip Kong may nagawa nga ba Ako? Hindi ko naman sya kaibigan... Kaklase ko lang naman sya.
Naglalakad na sya palabas ng eskwelahan .. Kaso napatigil din dahil sa isang Boses na tumawag sa kanya .. Si Chloe.
"Girl!! Wait!!sandali!!"
Hindi sya lumingon pero tumigil din sa paglalakad. Hinintay nya lang itong maabutan sya.
"Pasabay girl!! Sorry na di na me magtatampo. I'm just natakot lang kasi yesterday because akala me may kumuha na sayo or you don't like me to be your kasabay "-hingal na sabi nito ng makaabot na sa kanya ..
Huh?
Nagtataka lang sya habang nakatingin sa kaklase..
"Your Hindi naman mad sa akin kaya you iwan me yesterday diba?"
Tango na lamang ang naisagot nya dahil wala syang naintindihan sa sinabi ni Chloe .
"Yey! Let's lakad na! Don't you dare to iwan me Ahhh I won't patawad you next time "
>> >> >> × << <<
"Girl"
Napalingon naman sya sa kaklase
"Why .. Hindi ka nagtatalk? I mean .. Hindi ka nagsasalita??"
Napakurap naman sya ng ilang beses ..
" may Bad breath kaba?"
Tanong uli nito na nakapagpatigil sa paglalakad nila. Tawa lang ng tawa si Chloe.
napayuko sya at ngumiti ng mapait.
"Di naman kailangan"
Napatigil sa pagtawa si Chloe.
"Oh ... Sorry"
Ngumiti nalang sya .
"Girl,nandito na ang house namin girl babye na! Thanks for letting me makasabay ka!"
Tapos ay nakipabiso ito sa kanya .. Ngumiti lang sya pagkatapos ay sumakay na sa bisikleta.. Isinalampak ang head set sa tenga at nagpidal na pauwi.
Ngunit napahinto ng may biglang dumaan sa kanyang harapan .. Isang matulis na bagay ..
Napalingon sya sa direksyong pinanggalingan ng bagay .. At nakakita sya ng lalaking tumatakbo papasok sa isang iskinita .. Tinitigan nya ito .. Hanggang maglaho ang pigyura nito sa dilim ..
Sino sya?
>> >> >> × << <<
Hindi sya makatulog buong gabi sa pag iisip..
Sino ang taong iyon? Bakit nya iyon ginawa?
Tanong nya sa kanyang isip .. Habang nakaupo sa bintanang bukas at hinahayaang pumasok ang malamig na hangin ng gabi sa kanyang kwarto..
.
.
.
.
.
.
Samantala...
Isang nilalang na natatabunan ng anino ng sementong pader ng isang gusali .... Ang nakatingin sa kanya ..
Mula sa malayo.
-----
Unedited:).
![](https://img.wattpad.com/cover/36678517-288-kc6eea0.jpg)