Nagising ako sa kamang kinahihigaan ko dahil nasisilaw ako sa sobrang liwanag na tumatagos mula sa bintana. Malambot ang higaan ko at kumportable ako kaya ayokong bumangon. Pero sinubukan kong bumangon at sumakit ang ulo ko. Napakunot ang kilay ko sa sobrang sakit. Alam ko na dahil ito sa ininom ko kagabi. Sanay na ako sa hang over aftermath dahil consequences ito ng trabaho ko gabi-gabi. Pero iba talaga ang sakit ng ulo ko ngayon. Parang may pumipiga sa utak ko at parang binibiyak ang bungo ko sa sobrang sakit. Hawak-hawak ko ang ulo ko ng bigla akong natauhan sa unang nakita ko. May katabi ako sa higaan ko! Pero hindi ako nagdadala ng babae sa kwarto ko dahil kumplikado kung ang client ko ay malaman ang address ko— o kahit sa anong bagay na may kaugnayan sa personal kong buhay. Iba si Tatsuhiro bilang hosto at ibang si Tatsuhiro kapag wala na ako sa club.
Mabango ang hinihigaan ko, amoy rosas. Nagpalit ba ako ng laundry detergent? Hindi ganito ang amoy ng higaan ko. Mula sa comportable ay napadilat ako sa gulat.
Teka nga muna pala!!
Napabangon akong bigla nang mapansin kong iba ang kulay ng bedsheet na hinihigaan ko.
Hindi ko higaan ito!
“Oh my goodness! Pink ang bedsheet na ito, pink! With uh—heart print?” ang unang nasabi ko simula ng magising ako na naka squint dahil medyo blurry ang paningin ko. At nang luminaw ang paningin ko, “Ah! Strawberry prints. But that’s not important! What in the world am I doing here?!”
Ang bedsheet ko ay black with grey stripes kaya talagang naalimpungatan ako sa realization na nasa ibang kwarto ako.
Nasaan ako?!
Wala akong saplot bukod sa pink comforter na may strawberry prints na nakapatong sa akin.
Eh?!!
Ngayong umaga, ako si Adan na nasa loob ng nagsusumigaw na pink na kwarto.
Na realize ko na ang katabi ko sa higaan ay isang stuffed toy ng isang elepante na kulay pink din. Hindi ko maipaliwanag pero parang naasar ako nang makita ko ang elepanteng ‘yon. Nabastusan din ako dahil sa mahabang ilong nito.
Pero potek! Ano ba ‘tong napupuna ko. Hindi ako dapat ma-distract sa bastusing elepanteng ito. Where the heck am I?!
At binato ko ang elepanteng stuff toy na iyon palayo sa akin.
“Ah! Hey! ‘Wag mong ibato si Plong-plong!” sambit ng babae sa akin habang pinupulot niya ang elepanteng stuff toy sa sahig. At agad niyang ipinatong ang stuff toy niya sa headboard ng higaan kung nasaan ako.
Nagulat ako at napaurong. Nagtatagalog siya? So Pinay ito?
Pero wait…Plong plong?
What the effin’ name is that?! Anong kahibangan ng babaeng ito at pinangalanan niyang Plong plong ang elepanteng stuff toy niya. Nakakabastos lalo. Argh! Pero hindi talaga dapat ako nadi-distract sa ganitong bagay!
BINABASA MO ANG
LOVE KING
HumorShinjuku. Ang red-light district ng Tokyo. Itong lugar na ito ang naging kaharian ng isang Filipino-Japanese na hosto na si Tatsuhiro Roman. Top 1 siya sa ranking ng mga hosto sa Cube Club at wala pang nakakatalo sa kanya. Trabaho niya ang makipagre...