Make a move
"Oy Anik, bakit parang di ata ka nakatulog ah? Ano ba nangyari sayo kagabi?"
Papalapit si Annika sa table ng kusina nila kung saan nagkakape si Rica. "Wala, napuyat lang."
"Umupo ka na,pinagtimpla na kita ng kape."
"Salamat ha." Inabot niya ito sabay higop. "ARAY! Ang init naman!"
"Bwahahahaha! Tama nga yan para magising ka. Ano ba kasi nangyari sayo ha?" natataang sambit ni Rica.
"Ano kasi eh..."
"Anong ano? Sabihin mo na kasi. Dahil ba kay Seven?"
"Hindi ah!" sumimangot ito.
"Kaya nga sabihin mo na."
"Si Kevin kasi.." nakatingin siya sa kanyang kamay na may hawak sa tasa.
"Ha? Bakit? May ginawa ba siya sayo kagabi? O ikaw ang may ginawa. Ni-rape mo siya sa isipan mo noh?" Kinindat-kindatan pa siya nito.
"Wag ka ngang sira! Hindi ko yun ginawa. Pero partly..hahaha..biro lang..inisip ko lang siya..walang rape na nangyari." Sabay silang tumuwa..
"Bakit mo siya iniisip?" parang detective kung mangulit si Rica.
"Kasi nga, ewam ko ba..di kasi siya mawala sa isip ko..nanatili siya dun boung gabi kaya nagkakaganito ako ngayon, parang timang na zombie..huhuhu.."
"Ok lang yan..wala naming pasok sa trabaho ngayon..walang makakaalam sa zombie look mo..hahahaha!"
"Ang sama mo talaga. Porke't napaka-inspired mo ginaganito mo na ako.."
"Ouch naman, ang drama mo teh.."
"Hmmp! Ewan ko sayo Rica..kainis ka! Itanong mo na nga lang kay Eric kung may alam ba siya kung kalian yung gig ng banda nina Kevin."
"Bakit ko naman gagawin yun, aber?"
"Kasi sinabi ko."
"At bakit gusto mo malaman?"
"Ano ka ba? Detective, investigator, police? Ang dami mong tanong."
"Kasi naman po, bigla mo nalang akong inuutusan without a complete detail sa inuutos mo. Sabihin mo na kasi kung bakit para matapos na magandang usapan na ito sa aking magandang umaga." Sabay kindat.
"Kasi naman po, gusto ko lang naman pumunta sa gig nila para panoorin siya."
"At bakit naman, sa anong kadahilanan?"
"Hoy Miss Bakit, bakit hindi ka nauubusan ng tanong?"
BINABASA MO ANG
When Two Brokenhearted meets: Kevin Sy and Annika Marie Reyes
FanfictionI was thinking of writing a happy-ending story for the broken-hearted characters of haveyouseenthisgirl. Medyo nalito nga ako kung sino sa kanila ang pagtatagpuin kong characters. Kung sina Allen at Annika ba? o sina Kevin o Annika? o kung sina, ahh...