Boy meets Girl

2.1K 22 4
                                    

 When Two Brokenhearted meets: Kevin Sy and Annika Marie Reyes

Written by: ForgetMeNot_436

Boy meets Girl

(Kevin's Point of View)

One month after the wedding of Momo and Sync, napagdesisyunan ni Kevin na magbakasyon sa labas ng bansa. Pero hindi ibig sabihin nun na disbanded na ang banda nilang Runaway. Bakasyon nga lang, diba? ^^ Naisip kasi niya na baka makatulong ito para makapag-moved on sya kay Momo. Labis na kasi siyang nasasaktan at nawawala ng yung focus nya.

Habang naghihintay sya ng kanyang flight, may napansin siyang babae sa waiting area na nakatitig lang sa kanyang cellphone. Di nya mawari kung masaya ba ito o malungkot o ewan. Minsan kasi ngumingiti, minsan naman nanlulumo na parang ewan. Naisip nya na baka may lumuwag lang ang turnilyo sa utak. Pero di talaga maalis-alis ang titig nya sa babae.

“Sayang, ang cute pa naman nya.” At kinuha nya ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa. “Makunan na nga lang ng picture, pang souvenir lang ang cute kasi nya.” ^____^

Click! Tsik!

“Pakshet, nakalimutan kong tanggalin ang sound effect ng camera!”

Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa katawan dahil napansin sya ng babae dahil sa tunog ng camera. Akala nya magagalit yung babae kaya dali-dali nyang tinago yung cellphone nya pero ngumiti lang ito.

“Sorry miss? Wag ka sanang magalit sa ginawa ko. Natatawa kasi ako sayo dahil para kang ewan na nakatitig dyan sa cellphone mo kaya naisip kong kunan ka ng litrato.”

Tumawa lang yung babae.

Makikipagkilala pa sana sya pero tinawag na yung flight nya kaya umalis nalang sya at humingi uli ng paumanhin sa babae.

(Annika's Point of View)

Nasa waiting area sya nun ng airport at naghihintay ng flight nya. Mas business trip kasi sya sa labas ng bansa. Ginalaw-galaw muna nya yung cellphone habang naghihintay. Nagmumuni-muni muna sya. Iniisip nya yung mga pangyayari sa buhay nya noon lalong-lalo na ang tungkol sa kanyang lovelife. Nakapiling na nya ang kanyang Knight and Shining Armour who was Seven at umalis din. Seven has been a big part of his life. pero hindi talaga sila para sa isa’t-isa. Kaya naman ngayon ay hinihintay nya yung Prince Charming ng buhay nya.

Click!

Napaangat sya ng kanyang ulo ng makarinig sya ng sound effect ng camera.Nakita nya ang isang lalaki sa tapat ng kanyang upuan na may hawak na isang cellphone na may camera na nakaangat.

Nagtama ang paningin nila at biglang nagpanic yung lalaki dahil nahuli siya ni Annika na kinukunan sya ng picture nung lalaki. Natawa lang siya sa nagpapanic at nahihiyang hitsura ng lalaki.

“Sorry miss? Wag ka sanang magalit sa ginawa ko. Natatawa kasi ako sayo dahil para kang ewan na nakatitig dyan sa cellphone mo kaya naisip kong kunan ka ng litrato.”

Napag-isip si Annika sa sinabi ng lalaki. At napagtanto  nya na para talaga siyang ewan sa kakaisip kay Seven at sa darating na Prince Charming nya. Kaya naman ay sinagot nya lang ang lalaki ng isang ngiti.

May sasabihin pa sana siya, kaso tinawag na yung flight nya at tsaka bigla ding umalis ang lalaki matapos humingi ng pangalawang paumanhin ito..

"Sayang, di ko tuloy natanong pangalan niya."

When Two Brokenhearted meets: Kevin Sy and Annika Marie ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon