Jotter

20 0 1
                                    

Mara's POV:

Birthday ng mama ni Mika bukas, kaya after ng class namin ay nagpasya kaming gumala, at maghanap narin ng panregalo sa Mama niya.

"Best, ano ba ang mga gusto ng mama mo?" tanongko habang naglalakad kami papunta sa mall.

"Lahat naman gusto niya, kahit anong ibigay mo. Pero mas gusto nun ay mga antique na gamit." sagot niya sakin.

"ganun ba? edi maghanap tayo ng Antique shop" sabi ko.

"ano ba best. Sa panahon ba ngayon, may nakakalat pang mga antique shop sa lugar natin?"

Sabagay tama naman si Mika, wala na akong makitang Antique shop dito.

"Oh, sige diretso nalang tayo sa mall". sabi ko.

*BOOOOOGSH*

 

 

Biglang ako akong may nabangga, shet! ba't hindi ko manlang namalayan.

Napa-upo ako sa pagkabanggang yun. Huhu. Ang salamin ko na naman.

Tiningnan ko ang taong nabangga ko. Isang matanda, huh? sobrang linaw ng mukha niya. Kinusot ko ang dalawa kung mata. Hindi na ba malabo ang mga mata ko? Kitang kita ko ang matanda. Waa? ang  mga gamit na nahulog sa bag niya, kusang pumapasok sa loob ng bag niya. Huwhaat!! ano ba ng nangyayari, panaginip ba to? At kinuha niya ang salamin ko at inabot sakin. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang salamin. Nakangiti ito habang inaabot niya sakin. 

Kinuha ko ang salamin ko at sinuot ito. Tinulungan ako ni Mika na tumayo.Pinagpag ko ang damit ko para maalis ang mga alikabok at dumi.

"Sorry po ale," bigla kung sambit. Sabay tingin sa matanda.

Uwaaaaaaaaaa! hindi matanda ang sa harap ko. Isang magandang babae. Pero makaluma ang suot na damit. What? Weird pa sakin. Siguro lalo na talagang lumabo ang mata ko, ang mga nakita ko kanina dala lang ng pagkabangga sakin.

"Okay lang yun. Ikaw hindi ka ba nasaktan?" tanong niya sakin.

 

 

"Okay lang po." 

 

 

"Oh sige mauna na ako." sabi niya.

At umalis na siya. dala-dala ang mga bag na malalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishing Jotter (Mara's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon