'Roqia POV'
"Good Afternoon, Ma" paunang bati ko sa aking ina na nag-aayos ng halaman niya.
Lagi na lang nasa harapan ng halaman niya kapag laging dadating ako. So sino ang sa amin ang anak? Emz. Lumapit ako sakan'ya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Good Afternoon, Ija" bati pabalik sa'kin ni mama at niyakap ako pabalik.
"Pagod?" tanong niya sa akin.
"Sobra po" nakapikit kong saad.
"Akyat ka muna sa taas at magpahinga ka muna sa kwarto mo" napakabait talaga ng mama ko. Pero kapag na highblood magrarap ng bongga, 24 burns agad bungad niya sa'kin sa umaga.
Human alarm clock ko talaga siya eh, kaya wala akong alarm clock sa kwarto bibig pa lang niya gising na'ko. Emz. Pero love ko 'yan si mama. Maalagain. Kahit naman lagi ako niyan pinapagalitan alam kong para sa ikabubuti ko 'yon kaya kapag pinapagalitan ako ni mama, pinapagalitan ko din siya hehe. chariz.
"Akyat na ako, Ma" sabi ko at bumitiw sa pagkakayakap. Mag lalakad na sana ako ng may maalala ako.
"Ma, Aalis pala ako mamayang 7pm, Birthday party" napalingon naman siya sa'kin at tumalikod. luh attitude.
"Sige, Ingat ka" akala ko hindi papayag haru jusko. Makaakyat na nga lang.
Hindi ko kinwento sakan'ya ang nangyari kanina dahil baka magalit at siya mismo ang pagresign'nin ako. Dalawang beses na nangyari 'yon at ikinuwento ko sakaniya pareha, sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa kaniya.
Ang naging reaks'yon niya ay galit. Sa kadahilanang bakit kailangan ko pang magpasakay ng iba sa alaga ko. Nakita ko kasi sa ibang coach na nagagawa nila kaya ayon ang pinag-aralan namin ni wavel.
Itinuturo ko iyon sakan'ya, akala ko magiging maayos pero ganon ang nangyayari, siguro hindi sanay si wavel kapag ibang tao ang sumasakay sa kaniya.
Sabi ni mama hindi lahat ng nakikita gagayahin.
Pagpasok sa kwarto ko agad akong nahiga sa kama. Naalala ko si Tafano. Shet sis, Napakagwapo talaga jusmeyo. Mabait din at maalaga. Nuong unang kita ko sa kanilang magkapatid akala ko anak niya si Somi. Krazy Roqia.
Flashback...
"Okay, The man with a black cap and white shirt, beside the young birthday girl, come here" pagtawag ko sa lalaking matipuno.
Ayaw pa ata tumayo dahilan kung bakit kinukulit siya ng anak ata niya. Maya maya naman ay tumayo siya at naglakad papunta sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag slow motion ang lahat. Ang paglalakad niya habang seryosong nakatingin. Napadila ako sa labi ko. Ang gwapo niya. Makapal ang kilay at kulay green ang mga mata. Pink na labi at malalaki ang muscles niya. Parang model. Siya lang ang nakikita ko sa oras na iyon.
"Miss, Ayos ka lang?" namula ako sa tanong niya, napansin niya sigurong tumulo ang laway ko. Emz.
Huminga ako ng malalim at napakurap. ngumiti na lang ako para pagtakpan ang kahihiyan. Inayos ko na lang ang buhok at inalis ang tingin sakan'ya.
Nailagay ko na naman ang kamay ko sa likod. Hobby ko ito kapag nahihiya.
Lumingon ako sa audience.
Nakalimutan kong may mga nanonood pala. Jusmeyo.
"Sorry guys, Napakagwapo ng lalaki sa harapan ko hindi ko akalaing maglalaway ako ng todo" natutuwang wika ko.