SR 1

436 13 3
                                    

“Good Morning, Madame!” an employee greeted me while I walk into the hallway of the hotel. I smiled at him and directly went inside the lobby.

“Good morning, Ma’am Farrah,” the receptionist greeted also as when she saw me walk towards them. Before I could speak, I take off my sunglasses first.

“I’m looking for Hannah Alcantara,” I said while waiting for her answer.

“She’s in her office, Madame,” she said and then I put my sunglasses back before I walk inside. The staff guided me to her office. After a while, we reached the hallways and I saw the sign in the front of the door.

“CEO private room?” I raised my eyebrows. What came to her mind and she agreed with this?

The staff knock on the door before she went inside. After about a minute she’s came back.

“Madame, tuloy na po raw kayo,” she said and guide me to Hannah’s office, her eyes widened when she saw me.

“Farrah Cathaleia?! OMG! Where the hell had you been?!” sigaw niya. Mas lalong tumaas ang kilay ko at tinanggal ko ang sungglasses ko at ipinasok iyon sa bag na dala ko.

“Can you offer me a sit before you will ask me?” mataray na tanong ko sa kaniya.

“Aba’y umupo ka na. Hindi na kita kailangan ayain na umupo,” sabi niya pa habang prenteng nakaupo sa swivel chair.

Agad ko namang tinarayan siya bago ako umupo sa sofa malapit sa kaniya.

“So, saan ka nga ba galing? Halos isang taon kang hindi nagpakita sa amin! Maski si Ate Eerah hindi alam kung asan ka. Nakakaloka ka, Cath!” sabi niya pa habang humarap sa akin at hinihintay ang sagot ko.

“Sa impyerno,” maiksing sagot ko.

“Sandali nga! Anong nangyari sa iyo? Kailan ka pa natutong mag-makeup? Ibang-iba ka na, parang gumanda ka?" tanong niya pa habang manghang-manghang nakatingin sa akin.

“Duh! Matagal na akong maganda! Isa pa ano naman kung naka-make up ako? Bawal na bang mag-make up ang magaganda?” sabi ko pa sa kaniya habang  nagse-cellphone.

“Of course not. I mean, ano ba talagang nangyari sa iyo at parang sinaniban ka ng ispirito ni Ate Eerah?” tanong niya pa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niya.

“By the way, Alam naman ni Ate Eerah siguro na andito ka na hindi ba? May celebration sa mansion niyo mamaya,” sabi niya pa kaya napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras.

“Wait, don’t tell me hindi niya alam na nakauwi ka na? Nakakaloka ka, Cath!” sigaw niya sa akin habang hindi makapaniwala na hindi nila alam na nakauwi na ako.

“Well, I will surprise them,” sabi ko sa kaniya. Napangiti na lang ako dahil nami-miss ko na si Ate. Isa pa, alam ko namang nagtatampo siya sa akin dahil hindi man lang ako umuwi noong ikinasal siya. Maski nga yung asawa niya hindi ko pa nakikilala dahil wala akong komunikasyon sa kanila.

“Well, baka nga mabigla si Ate Eerah at bigla ka na lang palayasin,” sabi niya pa habang tiningnan ako ng natatawa.

Tinarayan ko na lang siya. May point siya, baka bigla akong palayasin ni ate pero imposible naman atang gawin niya iyon sa pinakamamahal niyang kapatid.

“Nakakaloka ka talaga, Cath. Bigla-bigla kang nasulpot diyan na parang kabute,” umiiling pa na sabi ni Hannah.

Ilang oras ang lumipas. Katatapos ko lang magpa-salon dahil balak kong surpresahin silang lahat. Sana lang ay hindi na galit si Ate sa akin. Muli kong sinuot ang dress na susuotin ko. It’s a fitted red dress na pinagawa ko sa botique noong nakaraan.

The Tale of Two Sisters (Sister Rivalry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon