Hey Stupid

39 4 1
                                    

Jace Novianna Larsson

Kapapasok palang ni Mr. Cruz nang makarating ako sa assigned seat ko. Gosh, buti na lang umabot ako sa oras. Napasign of the cross pa ako dahil sa tuwa. Nuknukan ng kastriktuhan at kasungitan ang gurong ito at pag-iinitan ka sa buong klase kapag late kang dumating. Ayaw na ayaw niya ng late comers at maiingay. Napag-initan na niya ako minsan dahil sa kaingayan ko. Sobrang nakakahiya yun!

Napakamot ako sa ulo nang mapansing hindi pa dumating ang seatmate ko. Wtr! Nakay Maicie pa naman ang assignment ko kay Mr. Cruz. Pasimple kong kinuha ang cellphone mula sa bag at pasekretong t-in-ext si Maicie kung saan na siya. Buti na lang may sinulat sa board si sir kaya hindi niya ako napansin.

Nangangatog ang tuhod ko sa paghihintay ng reply ni bruha. Kainis naman kasi, sabi ko ilagay niya sa bag ko ang notebook kapag natapos na siyang komopya. Kaso inuwi niya!

Nagreply si Maicie. Pumipila na daw siya para makasakay sa elevator na nasa lobby. Nireplyan ko siya na wag nalang mag-elevator kasi siguradong ang taas ng pila at maghagdan na lang. Angry emoji ba naman ang reply sakin!

"Larsson!" napatayo ako ng wala sa oras dahil sa lakas ng boses ni Mr. Cruz. Itinago ko ang cellphone sa bag at ngumiti ng pilit.

"Sir?" painosenteng sagot ko. Tumatawa ang mga kaklase ko. Another humiliation na ba this? Takte! Baka nahuli niyang gumagamit ako ng cellphone sa klase niya. Bawal kasi yun sa school namin. At itong mga classmates ko ang gagaling tumawa eh no?

"Sabihin mo present," bulong ni Angel na nasa harap ko umupo.

"Present sir!" sabi ko ng buong galak.

"Presence of mind naman, Larsson. Ayoko ng estudyanteng aanga-anga sa klase ko buti na lang at may laman yang utak mo!" sinamaan ako ng tingin ni sir bago niya tinawag ang kaklase ko. Attendance naman pala. Kasalanan talaga ito lahat ni Maicie eh! Padarag akong umupo at ngumuso.

Nawala ang attention ni sir sa pag-aattendance nang mapansin niya si Maicie na kakapasok pa lang. Pilit na ngumiti ang bruha pagkatapos i-greet si sir. Sabog na sabog ang buhok nito at pinagpapawisan ang mukha. Muntik na akong matawa. Ayan kasi late, dinamay pa assignment ko. Papalapit na sana siya sa upuan malapit sakin nang magsalita si sir.

"Ang aga mo naman para sa next class, Garcia?" sarkastikong saad ni sir. "Traffic po kasi sir. Sorry po!" sagot ni Maicie at patalikod na naglakad papalapit sa upuan niya.

"Is it my fault, Garcia? Kung alam mong traffic sana madaling araw kang umalis ng bahay mo para hindi ka late pagpasok sa klase ko!" bato ni sir sa kaniya. Pinipigilan ko ang sariling matawa nang makita ang palihim na irap ng bruha kong kaibigan. Ayan na lalabas na ang tigre!

"Sinisi ba kita, SIR? Magturo na lang po kayo, pwede po?" tinakpan ko ang mukha ng aklat bago pa makita ni sir ang pagtawa ko. Grabe ibang level ang katarayan ni madam.

"WATCH YOUR MANNERS, GARCIA! LAST WARNING KO NA TO SAYO. KUNG MAHAL MO PA ANG PAG-AARAL MO, AYUS-AYUSIN MO YANG UGALI MONG PANGKALYE! PARE-PAREHO KAYO NI LARSSON. MGA SAKIT SA ULO!" napakamot na lang ako ng ulo nang maglingunan ang mga uliran kong kaklase sakin. Takte! Sinali pa ako sa homily ni father Cruz!

Umupo na sa tabi ko si Maicie at kinuha niya sa bag ang notebook ko tsaka binigay sakin. Take note, hinampas niya pa ang notebook sakin bago niya binigay. Ako na hindi nagpapatalo, hinampas ko rin sa kaniya ang notebook nang medyo may kalakasan. Kala niya ha!

"Aray, gago!"daing niya. Sinenyasan ko siyang tumahimik dahil napalingon sa banda namin si sir. Sinamaan niya ako ng tingin at tumingin sa harap kung saan nagtuturo na si Mr. Cruz. Buti nalang. Akala ko may karugtung pa ang homily at ma-special mention ulit kami ng bruha.

Hey Stupid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon