CHAPTER 6: MONEY GAME, CHECKMATE

6.1K 103 5
                                    

"Mayor, nagkakagulo po sa labas!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mayor, nagkakagulo po sa labas!"

Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto.

"Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito  habang naglalakad palabas.

Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw.

"Mayor, tulungan niyo po kami."
"Ikaw na lang ang maasahan namin."
"Wala na kaming ibang malalapitan pa."
"Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."

Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing  kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na.

"Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibigay?" tanong ni Ludwick. Mas lalo namang napaiyak ang mga tao nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng hinahangaang mayor.

Napasulyap ito sa dalawang bantay ng gate. "Kayo? Bakit hindi niyo sila pinapasok?"

Nagtitigan ang dalawang bantay at para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata kung sino ang sasagot. Hindi rin nagtagal at hindi na nakatiis pa ang isa kung kaya't ito na lang ang sumagot.

"Akala po kasi namin mga magwewelga"

Napapikit si Ludwick at napahawak sa kaniyang noo. Disappointment covered his face.

"Magkakaroon talaga ng welga kung sakaling natagalan ako." Napatingin siya sa bantay na sumagot sa kaniya. "Dapat kasi, tinatanong niyo muna kung ano ang pakay nila nang hindi sila nabilad sa araw. Mabuti kayo at may bubong at upuan ang puwesto niyo,e, sila?"

Napatingin sa ibaba ang dalawang bantay. "Pasensiya na po, Mayor. Hindi na po ito mauulit," sabay na wika ng mga ito.

"It's okay. Ang importante ay natuto na kayo," saad ni Ludwick at namaywang. "Gusto ko ng isang represantive niyo para makausap ko. I won't be able to cater all your concerns kung iisa-isahin ko pa po kayo. Also, I think your concer hasone common reason."

Bahagyang natahimik ang mga tao. Mayamaya pa, isang lalaking nakasumbrero at nakasuot ng isang polong kupas ang nagtaas ng kamay.
"Ako po, mayor."

Pinunasan ng lalaking may katandaan na ang kaniyang mukha dahil sa ilang luha nito na tila nabara sa kumukulubot at halatang bilad na bilad sa araw na pisngi. Maputi na rin ang buhok ng lalaki at maging ang balbas nito. Ang polo nitong kupas ay pinarisan ng isang shorts na may ilang butas at natuyong putik sa laylayan. May mga natuyo at tumigas ding putik sa paa ng lalaki.

"Sige po, 'Tay. Sumunod po kayo sa akin," wika ni Ludwick saka ngumiti. "Papasukin n'yo si tatay."

***

Smitten Mist(Dargan Series 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon