CHAPTER 15: HIS OTHER SIDE

5K 96 1
                                    

Kauuwi lang ni Don Leandro at wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kauuwi lang ni Don Leandro at wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari. Wala rin itong ideya kung ano ang ganap ng mga anak nito lalo na tungkol kay Ludwick.

"Mahal ko," sigaw ng isang babaeng bagamat may katandaan na ay bakas pa rin ang pagiging sopistikada nito. Si Donya Cielo Alejandra iyon, ang ina nina Ludwick. "Masaya ako at nakauwi ka na," saad pa nito.

"Ganoon din ako," sagot naman ni Don Leandro saka niyakap ang asawa. "Mabuti na lang talaga at hindi natagalan ang shipment ng mga baril. Kung sakaing natagalan, baka mas lalo akong natagalan."

Malakas ang pagtunog na nagagawa ng sapin sa paa ni Leopoldo habang naglalakad ito pababa ng hagdan. Halos hindi maiguhit ang mukha nito nang makitang nagyayakapan ang mga magulang.

"Ang tanda niyo na para riyan," bulalas pa nito saka ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kusina.

"Pabayaan mo na. Ganiyan naman talaga ang bunso mo kung magsalita," saad naman ni Donya Cielo saka tinapik-tapik ang dibdib ng asawa. "Sandali, kuha muna kita ng maiinom."

Iniwan muna ni Donya Cielo si Don Leandro na kaagad nagpunta sa paborito nitong puwesto sa sala. Napaupo sa sofa at kumuha ng babasahin.

Nagkasalubong sina Donya Cielo at Leopoldo. Wala naman planong makipag-usap si Leopoldo dahil marami pa itong babasahing case at kakabisahing mga batas. Minsan ay napapaisip siya kung bakit pa ba siya nag-aaral ng pagka-abogado.

Aakayat na sana siya pabalik sa taas ngunit tinawag siya ng ama niya.
"Fifth, alam mo ba kung nasaan ang mga kapatid mo?"

Kunot-noong napatingin si Leopoldo sa ama. "Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?"

Ibinaba ni Don Leandro ang kaniyang binabasa at sinamaan ng tingin ang bunso. "Bakit ba ganiyan ka kung makipag-usap? Don't you know how to respect?"

Napapikit lang si Leopoldo at napasinghal. Mayamaya pa, nahagilap ng peripheral vision niya ang bulto ng isang lalaking naglalakad papasok.

"Oh. Ayon ang panganay mo," saad nito sabay turo kay Ludwick.

Napasulyap si Don Leandro kay Ludwick na sobrang liwanag ang mukha. Para wala itong problema dahil napapangiti pa ito habang naglalakad papasok.

"Huwag ka munang umalis," saad ni Don Leandro kay Leopoldo dahilan para mapasimangot si Leopoldo.

Ibinaling muli ni Don Leandro ang atensyon kay Ludwick.
"Uno, may nais akong sabihin sa iyo. Hindi, sa inyo."

Kibit-balikat lang namang naglakad palapit si Ludwick. Hindi na rin bakas ang kaba sa kaniyang mukha tuwing tinatawag siya.

"Bakit? What are we having?" tanong naman ni Ludwick.

"We're having a dinner tonight, and I want you all to be present. Inimbitahan ko rin si Michael o mas kilala bilang Don Epifanio, isa sa mga kaibigan ko." Iniisip ni Ludwick kung ano ang mayroon kay Michael. Wala naman siyang pakialam kung imbitahan niya iyon dito. Sakto nga lang dahil may inimbitahan din siya.

Smitten Mist(Dargan Series 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon