Mahal Kita, 남자 친구!

24 2 0
                                    

SABI nila masaya raw magkaroon ng Korean na kaibigan. Tsk, akala niyo lang!

"Hoy! Shin! 'Ung ballpen ko! Sign pen pa 'yan! Mas mahal pa 'yan sa buhay mo!" Sigaw niya habang hinahabol ito sa hallway ng University.

"Korean only!" Sigaw nito pabalik habang patuloy sa pag-takbo.

Anim na buwan palang silang magkakilala at magkaklase ni Shin pero naging sobrang close na nilang dalawa.

Kahit papaano ay nakakaintindi at nakakapagsalita na ng Tagalog si Shin pero sadyang mapangasar ito kaya ginagamit niyang excuse ang pagiging Koreano niya.

Bukod sa mahilig siya sa KPOP, dahil kay Shin natuto narin siyang magsalita ng Korean. Tinuturuan siya nitong mag Korean dahil sa kagustuhan niya at tinuturuan niya naman itong mag- Tagalog.

Nakita niyang tumigil ito sa pagtakbo nang may nakasalubong itong prof kaya naman siya ay naglakad nalang ng mabilis at nang maabutan niya ito ay bigla niya itong binatukan.

"Aray! Grabe shakit!" Salubong ang kilay nito ngunit nakangiti naman.

"You Jinjja boang talaga ah! This is my one and only ballpen and it's expensive than your life. Arasseo?!" Nakapamewang siyang nakaharap dito.

Ngitian siya nito at biglang inakbayan. "Let's go, let's eat goemul-i doegi jeon-e." Before you become a monster. Shin chuckled making Isha frowned.

"Anong sabi mo?" Tanong niya dahil hindi niya ito naintindihan. Baka mamaya ay minumura na pala siya nito hindi niya pa alam.

Nagkibit balikat lang si Shin at iginaya na siya sa Cafeteria nila. Madalas talagang pinagtitingan silang dalawa dahil sa boang na katabi niya.

Paano ba naman? Nag-iisang Koreano sa university siya pa ang ka-close, sa tingin ng lahat swerte siya dahil hindi sa aaminin niya pero gwapo naman talaga si Shin. Maputi na akala mo anak ng perlas, chubby ang mukha kaya lagi niyang pinanggigilan ang pisnge nito, kapag ngumiti naglalaho na ang mata niya tapos matangkad pa.

Eh siya? Ito. Wala lang. Babae lang na sobrang taas ng confident kaya lagi niyang sinasabi sa sarili niya na maganda siya. Kasalanan ba ang ganda lang ang ambag sa lipunan? Hmm... Hindi naman. Mukhang tama nga sila, swerte nga siguro talaga ako kay Shin.

"Shin, libre mo ko?"

"Why would I? You batok me, shakit shobra." He raised his eyebrow.

"Is it my fault neo michyeoss-eo?! I'm very tired and very hingal and very—" Shin covered Isha's mouth.

"Shut up. Okay, I'll treat you. Shobra ingay naman." Isha rolled her eyes.

Minsan talaga napapaisip siya na baka nahawaan niya na ng ugali si Shin. Mas maarte na ito kaysa sa kaniya hindi katulad noong unang pasok nito sa University, sobrang tahimik at hindi pa masiyado marunong mag-tagalog.


"Dai, meron daw tayong korean na kaklase." Bulong sa kaniya ng kaibigan niyang si Veniz.

Her eyes widened as she looked at Veniz. "Seryoso? Kailan papasok? One week na tayo ah."

"Balita ko nasa office na raw tapos mamaya papasok na rito sa room!" Veniz said half shouting, half whispering.

Umaktong kinikilig si Isha at malaki ang ngiti sa kaniyang muka. "Ay jusko dai! Pag pasok na pag pasok palang 'non papakasalan ko na kaagad 'yon!" Bulong niya rin sa kaibigan niya.

"Tamayo! Solano!" Napaayos ng upo ang dalawa, "Mawalang galang na baka gusto niyong makinig muna sa'kin bago kayo mag chismisan dalawa." Pansin ni Ms. Curta sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

2khai4 One Shots StoriesWhere stories live. Discover now