Istorya #1

22 1 0
                                    


Ysabel's POV

Masayang kong iminulat ang aking mga mata sabay hikab. Napatingin ako sa kalendaryo sa gilid ng kama at natanaw ko nakabilog na araw dito. 

August 20, 2022

"Today is the day, Ysa!!!" sigaw ko sabay tayo sa aking higaan. Kaagad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at maghanda para sa araw na ito. 

Isang napakaespesyal na araw para sa akin at para sa boyfriend ko. Today is our 6th anniversary, still fighting and still strong. 

Matapos kong makapag-ayos ay kinuha ko ang aking cellphone upang tignan kung may text sa akin si Geo, and as expected, meron. 

"See you at 9 :)"

Napangiti naman ako nang nabasa ko ito. Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko, 8 AM. May oras pa para makapaghanda ako. 

Simple lang ang plano namin ngayon. Magde-date lang kami sa iba't ibang lugar. Ang sabi niya gusto niya ulit puntahan yung mga first(s) places namin as a couple. At syempre, kung anong gusto niya okay na ako dun. As long as magkasama kami. 

Saktong 8:50 ay natapos kong ayusan ang sarili ko. Kaya naman, kaagad akong lumabas ng kwarto ko at naghintay sa aming terrace. Ilang saglit lang naman ay narinig ko na siyang bumubusina sa harap. 

"Hi, beb. Happy Anniversary," sabay halik niya sa akin sa pisngi. 

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Happy Anniversary."

Binuksan niya ang pintuan sa harap tsaka ako inintay na pumasok sa loob. 

"Thank you," I mouthed as I sit inside. Nang nakapasok siya kaagad niyang inistart yung kotse. 

Naging tahimik ang byahe namin. Hindi ko siya masyadong nagsasalita kaya naman ganon na rin ako. 

"San tayo, beb?" tanong ko para na rin mabasag ang katahimikan sa pagitan namin. 

"Sa lugar kung saan ka magiging masaya," sabay tawa niya. 

"Hala, weh? Saan ngaaaaa?" pangungulit ko rito. 

"Just look around and see the familiar things around you." 

Sinunod ko naman siya. Pinagmasdan ko ang paligid namin. Habang nagtatagal ay nagiging familiar na sa akin ang paligid. Sa mini park, ang lugar kung saan ko siya unang nakita at ang lugar kung saan ko siya sinagot 8 years ago. 

"Oh, ano gagawin natin dito?" Naku-curious kong tanong pagkatapos kong bumaba sa kotse. 

"Wala, magsa-sight seeing ng bata?" sabay kamot niya sa ulo. 

Hahaha. Ang kyut talaga. 

"Sige, okay lang," sabay hawak ko sa kamay niya at hinila ko siya sa may bench na may puno sa gilid. 

Naupo kami habang nakatingin sa mga batang naglalaro. 

"Do you remember how we met?" he asked. 

"Syempre naman 'no," sabay tingin ko sa kanya. "8 years ago, we're 16. I met you mmmm," habang iniisip kung saan yung lugar na una naming pinagkitaan. "Ah! There oh." 

Itinuro ko yung duyan malapit sa mga monkey bars. 

"You we're crying that time," he said. 

"And you wipe my tears," napangiti ako sa kanya. "Thank you."

"I'm not done. Hahahaha," sabi niya. "I was saying my POV na ngayon oh. The Geo's POV na hindi mo pa alam."

Na-curious naman ako sa sinabi niya. I guess he's right. I never asked about his impression and reaction on me when we first met. 

Ang Kwento sa Likod ng MusikaWhere stories live. Discover now