komplikado (ON GOING)

20 0 0
                                    

Di ako naniniwala sa destiny. (-_-)

Ang kapalaran ay hindi pa tapos isulat. Heler! Sino makakagawa nun?

Naniniwala akong hindi destined ang mga nagaganap kundi resulta lamang ng mga desisyong ginawa natin. For example, nagkabanggaan kayo ng crush mo sa hallway ng school. Naniniwala akong hindi yun itinadhana. Nagkabanggaan kayo kasi napagdesisyonan nyo parehong dumaan dun. Ang laking bulag nyo lang pareho kaya nagkabanggaan kayo. Bat tayo umabot sa ganitong usapan? Kasi maganda ako! Pwera biro! (^_^)

Okay, fine! Sasabihin ko na....

Dahil sa tuwing naririnig ko ang katagang "DESTINY", naaalala ko ang katangahan ko. Naniwala kasi ako sa destiny destiny na yan kaya eto ako ngayon. (>_>)

Ano? Kwento ka dyan! Mukha ba akong LOLA BASYANG? Yoko pag-usapan!

Ano yun?

Ano kamo?

Gusto mo magkwento ako?

(>_>) Kulit mo ah!

 Sige na nga! Mapilit ka eh! May pagka chismaker ka ah! Pero dahi sadyang nabiyayaan ako ng kagandahang loob, pagbibigyan kita. Ako nga pala si Jamaeca Marie Estenzo. Mahaba ba? Sige, Mae na lang. At eto na ang hinihingi mong kwento.... makinig ka ah!

*DRAMATIC MUSIC*

Nainlababoo kasi ako nung 2nd year high school sa 4th year student na si Roy. Nagkabanggaan kasi kami isang araw sa may gate ng school. Late na kasi ang beauty ko nun kaya natakbo ako. Sumabog po ang lahat ng hawak kong libro. (^_^)v Joke lang! Hindi sumabog. Nahulog lang naman. Nung pupulutin ko na, nahawakan ni Roy ang kamay ko. Feeling ko nakuryente ako. (>////<) Nagkatinginan kami teh! Sandali lang yun but it felt like hours. Malandi ba? Medyo lang! Hindi rin naman ako nagpahalata noh! Kunwari galit ako. Humingi naman sya ng sorry sa 'kin pero syempre, kunwari galit ako diba? Para may reason ang pamumula ng pisngi ko. (^_^)v Binigay nya ang cellphone number nya sakin. Pag may kailangan daw ako, itext ko lang sya. Oh, diba? Bongga ang lola nyo! Di naglaon at napalapit na ang loob namin sa isa't isa. Lagi nyang sinasabi sakin na "DESTINED" daw na magkabanggaan kami nung araw na yun. Get's mo na ba? OO. Tama ka! Naging bf  ko sya at sa kasamaang palad, di naging smooth ang relasyon namin. Why? You don't wanna know. Anyway... Lilipat na ako ng school. Di ko na makikita ang pagmumukha nya.

     Eto ako ngayon, nakatayo sa harap ng bago kong school. Ano sa tingin nyo? Magiging masaya kaya to? (^_^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

komplikado (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon