CHAPTER 4

166 4 0
                                        

CHAPTER 4

SHERLY POV

Para sakin mahalaga talaga ang nakaraan ko, kalahati ng buhay ko ang nawala, maraming tao ang hindi ko maalala. Maybe there’s a time na dadating din ang panahong gigising ako na nagbalik na ang lahat alaala ko. Umaasa parin naman ako. Kagabi may mga events na naman nagfaflash sa isip ko. pssssh

*toktok*

“sherly, yung mga kaklase mo ! nasa labas na sila,”  Ang aga talaga ng mga yun.

“anjan na ate !”

Nagmadali na ko sa pagsusuklay ng buhok, inipit ko lang yung gilid ng buhok ko, para naman hindi na siya makasagabal sa muka ko.

“ate mhae, hindi ko na ilolock yung kwarto ko huh, pasabi nalang po kay manang palinis nung ilalim nung kama ko, ang alikabok na kasi e” napansin ko lang kasi yun kagabi nung hinahanap ko yung ipit ko.

“sige sige, ! ingat sa pagpasok sherly huh bilisan mo ang kilos at nakakahiya sa mga kasama mo sa labas, “  inayos ko naman yung gamit ko sa may salas, syempre baka may nakalimutan ako or what.

“aye eye captain !” sabi ko habang sinasakbit yung bag ko.

papaalis na sana ako nang bigla pang nagsalita si ate mhae.

“wait ! imbitahan mo ang mga kaibigan mo dito pag may oras kayo huh, maghahanda ako ng makakain”

“ay ate mhae tamang tama, tutulungan din nila ko mamaya, susuggest ko na dito nalang sila magmeryenda.”  pagkasabi ko nun lumabas na ako, at naghihintay na nga ang apat na bruha sa labas.

Tanaw na tanaw ko mula dito ang busangot sa muka ni pat. Tahahahaha ! natatawa nalang ako.

“sherly ! why so bagal ?” sabi ni pat na namamayawang pa.

“seriously ? talagang aaraw arawin na natin to ?”  tanong ko, syempre nakakahiya rin kaya. Tapos ganto pa ko kabagal araw araw ?

“kung gas lang ang pinoproblema mo, wag kang magalala sherly, meron namang gas station sila mika e, so why bother ? jane

“owws ? talaga hahahaha ! oh di sige tara na !”

At sumakay na nga kami, after 5 minutes  na kwentuhan namin sa loob ng kotse, nakarating na kami sa school.

Lumabas na kaming lima sa loob ng sasakyan at kitang kita mo mula rito ang mga nagtataasang kilay ng mga estudyante. Ahhgrrr. Anu bang meron? bakit parang sakin sila nakatingin? pake ba nila? hindi ko nalang pinansin ang bulungan at taasan nila ng kilay, at nagpatuloy nalang kaming maglakad papuntang room.

“ahhh sherly, mamaya pupunta tayo sa boutique nila Joaquin. Titingin tayo ng isusuot mo para sa pageant, remember… next week na yun” Paalala sakin ni axel, isa pa yung pageant nay un !

“paano ko naman yun makakalimutan? First time ko kaya yun”

“tama nga naman HAHAHAHA ! kapartner mo si Joaquin e” mika.

Pinky PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon