Chapter 1

60 13 6
                                    

Pabagsak na naupo si Zaylie dahil sa sobrang pagod, maraming naging customers ang Coffee shop nya. Napahilot Ito sa sariling sintido bago hinamas ang bracelet na palaging nakatali sa kamay n'ya, she feels ligthen every time na naaalala n'yang galing Ito sa kanyang ina.

"Oh god, this day is so exhausting." Anas nito at pinikit ang Mata.

Kahit sa pagod na nararamdaman ang may bahagi ng puso n'yang masaya, kahit papano nakakaahon na rin sya. Sana tumuloy tuloy na ang pag angat ng negosyo nya.

Tumunog ang phone sya Kaya kinapa nya Ito sa kanyang bulsa, pagdilat nya ay sumalubong sa kanya ang mensahe Ng kaibigan nya, nakasama nya Ito sa amponan hanggang sa naampon ito ng isang mayaman Kaya nagkalayo sila, tumongtong ang dalaga sa wastong edad at ng napag isipan Ng dalaga na Kaya na n'yang tumayo sa sariling paa ay kinausap nya ang mga madre na nag alaga sa kanya at nagpaalam sa pag alis sa amponan.

"Hoy bruha kanina pa ako dito sa labas, birthday ko nakalimutan mo na ba?" Nagulantang Ito Ng mabasa ang mensahe Ng kaibigan.

Dahil sa dami Ng ginawa ang nawala sa isip nya ang birthday nito.

"Kung hindi Ka lalabas ay friendship over na talaga tayo." Sunod pang text nito.

Nagmamadali s'yang tumayo at kinuha n'ya bago lumabas sa kanyang opisina, Kahit kakasimula pa lang Ito sa negosyo ay Hindi Ito nahirapan lalo na at may investor agad sya at Ito ay si Angel, ang kaibigan n'yang may kaarawan ngayon.

Natutuwa ito sa t'wing nahahanda ang kaibigan para sa kanyang kaarawan dahil para sa kanya ang swerte nito, dahil alam nya Kung kailan sya pinanganak samantalang sya? Hindi. Dahil bago namatay ang ina ni Angel ang kinausap nito ang mga madre, habang si Zaylie Naman ay iniwan lang Ng walang pasabi. Parang tuta lang na iniwan Ng labas ng ampunan.

"Sam, ikaw na muna ang magsara ha." Sambit nito bago lumabas sa coffee shop nya.

Nakabigkis ang braso Ng kaibigan na nakasandal sa sariling kotse, halatang naiirita na.

"Pasensya—"

"Nyenye..  whatever. Get in." Sambit nito na may halong iritasyon ang boses.

Bago pa man Ito pumasok sa kotse ay niyakap nito ang kaibigan.

"Happy birthday gel." Bulong nya saka kumawala sa pagkakayakap.

"Thanks Zay." Sambit nito at ngumisi.

"At dahil birthday ko, birthday mo rin, Kaya dapat maganda ka." Tumaas ang kilay nito.

May kinuha itong paper bag sa loob Ng kotse  at hinampas Kay Zaylie pero bago Ito tumama sa kanya ay sinalo nya Ito.

"Isuot mo yan, may pupuntahan tayo." Tinitignan nya ang laman nito at halos lumuwa ang Mata nya sa nakita.

Tube dress? Talaga? susuotin ko to?

Ibubuka pa lamang nya ang bibig nya para umangal nang magsalita ulit ang kaibigan.

"Birthday gift mo nalang sakin ang pagsuot mo nyan."

Nagpasimangot ito, alam na alam Ng kaibigan nya hindi Ito tatanggi sa kanya. Hinila sya nito papasok sa coffee shop, nakita nya ang nagtatakang titig ni Sam Kaya pilit nya itong nginitian.

"Maghubad kana." Sambit Ng kaibigan nya nang makapasok sila sa comfort room.

"Sa harapan mo? Teh dalaga na ako." Inis na sagot ni Zaylie.

"Zaylie Rivas, nakita ko na yan nung bata pa tayo, medyo nag iba Lang ngayon kasi alam Kong may tumutubo ng damo." Nakangisi nitong Sabi.

Umirap sya rito agad na pumasok sa isang cubicle at Doon nagpalit. Habang sinusout nya ang damit ang nagulo ang kan'yang buhok, pagka ayos Ng damit na suot nya ay lumabas na Ito.

Chasing My Mistress(On-going)Where stories live. Discover now