Mabilis lumipas ang araw at dapit hapon na, ngayon ay nasa harap muli ng Cervantes Empire company si Zaylie habang nakatingala sa dulo nito.
"Ano pa bang hinintay mo?! Pasok na.." Bibong sambit ni Angel na parang tinataboy ang kaibigan.
Napalunok ng sariling laway si Zayle.
"Hindi ko kaya pagsisihan 'to?" Tanong nya sa kaibigan.
"Nangangain lang ng kipay yun, hindi ng tao." Pinandilatan nya ang kaibigan dahil sa sinabi nito.
Laking simbahan sya kaya naturuan sya ng mga Madre ng tama, iwan lang sa kaibigan nya'ng ito.
Humakbang na sya papasok ng malaking building, pinagbuksan sya ng guard ng pinto dahil sa mga dala nito. Lahat ng kakailanganin nya sa paggawa ng kape ay dala nya.
Wala ng mga empleyado sa gusali dahil alas singko na rin naman ng hapon malaman nagsiuwian na ang lahat maliban sa security guard.
"Ako na ho Ma'am." Magalang na sambit ng security guard.
Tinulungan sya nito sa kanyang dala at tahimik lamang syang sumunod rito.Pumasok sila sa elevator at pinindot nito ang numerong 14, kung saan makikita ang office ni Damon. Habang paakyat ang elevator ay lalong bumibilis ang tibok ng puso nya, parang magkahalong emosyon. hindi nya alam kung kaba ba, takot o nerbyos ba itong nararamdaman nya.
Tumigil ang elevator at kasabay nito ang pagbukas ng pinto, huminga sya ng malalim bago lumabas sa elevator. Sumusunod parin sya sa security guard at huminto sila sa parehong pinto na minsan na nyang pinasukan.
Parang sasabog ang puso nga sa hindi mapaliwanag na nararamdaman nya.
Bumukas ang pinto at naunang pumasok ang security guard parang uurong yung paa nya nang makita ang makintab na sahig ng opisina ni Damon.
" Enter...." Nagpalamig sa buo nyang katawan ang boses nito.
"Me?" Wala sa sarili nyang tanong.
"Sino pa ba ang iniisip mo?" May halong inis ang boses nito.
Pumasok sya at tamang tama naman ang nagkasalubong sila ng security guard, tumingin ito sa kanya na para bang nangamgamba.
Ngumiti sya rito "salamat." Sambit nya at tumango naman ang guwardya sa kanya.
Hinanap nya ko saang mesa nilagay ng security guard at napasinghap sya ng makita itong nasa harap mismo ni Damon, tinitingnan ni Damon ang bawat gamit na parang pinag oobserbahan ang mga ito.
"Maingay ba ang mga ito sa tuwing gamit mo?" Tanong ng baritonong boses ni Damon sa kanya.
Umiwas sya ng tingin at tumango.
"My coffee, prepared espresso." He said and walk towards her.
Parang hinigop nya ang lahat ng hangin sa buong silid dahil sa lapit ni Damon sa kanya, para ayaw nya'ng bitawan ang hininga nya.
"Hindi ako na nangangain ng tao..." Bulong nito.
"So don't be scared my coffee," his breath warming up her skin. "Wag kang matakot sa akin, sa mga gagawin ko. Pwedi pa." Sambit nya at ngumiti.
Her eyes sparkled when she saw Damon smiling in front of her, wala pang lalaking makalapit sa kanya ng ganito kaya nakakapanibago sa kanya. And behind those smiles, a rare sweetness of Damon Austin Cervantes.
Mas lalong nilapit ni Damon ang kanyang mukha.
'anong ginagawa nya? Parang sasabog na ang puso ko!'
YOU ARE READING
Chasing My Mistress(On-going)
RomanceZaylie Rivas is a warm-hearted woman, she is orphan and grown up on orphanage. She was contented on her life not until she encounter Damon Austin Cervantes, he is the owner and the CEO of Cervantes empire. He was a good husband to his wife and only...