II. PS

6 0 0
                                    

II.

After nung event na 'yon, naging busy na ulit kaming apat. Dumami ang quizzes na dapat reviewhin, pati na rin ang thesis naming apat. Hindi pa naman kami magkakaparehas ng grupo kaya halos isang linggo kaming hindi nagkikita, bukod kay Avery na kasama ko sa dorm.

Nakita kong nagri-ring ang phone ko, at si Klaus ang caller kaya sinagot ko 'yon.

"Hello? San ka?" Bungad na tanong niya.

"Nasa school. Library. Why?"

"Busy ka? Papasama sana ako sa mall, if you're not only busy."

"Hindi naman. Like now ba? Or later pa?"

"Pwedeng ngayon na. Wala na akong klase. Sunduin kita diyan?"

"No. Baba na ako diyan. Antayin mo na lang ako sa baba."

"Okay. Will wait for you here." Ako na ang nagbaba ng call.

Inayos ko muna ang gamit ko. Bago umalis lumabas ng library. Hindi naman busy kaya okay lang din na samahan siya sa mall. Isang jeep lang naman ang layo noon sa school.

Pagkababa ko ay nakita ko siya sa isang bench na nakaupo habang may kausap na batchmate namin. Nakita niya ako at nagpaalam na siya sa kausap niya.

"Saan tayo?" Tanong ko habang palabas kaming dalawa.

"Bibili sa national ng gamit at titingin sa dept store ng tshirt."

"Asan si Xav? Bakit hindi mo kasama?"

Madalas na sila ni Xavier ang magkasama. Nagkataon na magpapacheck daw si Avery ngayon ng thesis nila kaya nakatambay akong mag-isa sa library.

"Ngayon din deadline nila sa chapter 1-3 sa thesis, at kailangan magpacheck kaya busy din siya." Sabi ni Klaus.

"Oh? Kayo ba tapos na?"

"Oo. Kanina lang. Bago kita tawagan." Tumango na lang ako bilang sagot.

Nagkekwentuhan kami ng kung ano-ano habang naglalakad papuntang sakayan. Bago pa kami makarating don, daming tumatawag sa kanya at nag-ha-hi.

"Nahahawa ka na kay Xav ha. Halos lahat yata ng schoolmate natin kilala mo na." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Baliw. Puro ka-department natin 'yon kaya kilala ako. As if naman kilala ako ng ibang department no."

Tinulak ko siyang bahagya, "Aysus. Kunyari ka pa niyan, Kla. Yiee. Wala pa ba?"

Sumeryoso siya ng tingin sa akin. "Wala pa. Manahimik."

"Eh kayo ni-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Nope. Hindi na 'yon babalik. At ayoko na rin bumalik don. Bakit kaya pinipilit niyo ako dun lagi? Tss."

"Sorry na. Edi huwag, hanapan na lang kita bago gusto mo?"

"Sumakay ka na lang diyan at huwag ka na madami pang sinusuggest diyan." Sabi niya nung makarating kami sa sakayan.

Dumiretcho agad kami sa nbs pagkarating namin. Hindi normally nagpupunta sa book store si Klaus kaya nakakapagtaka na siya ang nag-aya ngayon dito.

"Bakit ikaw ang bumibili niyan?" Turo ko ng mga gamit na nasa cart na bitbit niya.

"Inutos 'to ng mga thesis-mate ko, eh alam mo namang mabait ako kaya sinunod ko na."

"Lul. Ikaw mabait? Asa ka."

Sinamahan ko siyang magbayad sa counter. Habang busy siya magbayad, nagpophone lang ako nung nakita ko ang bagong announcement sa department group namin.

Songs I Sing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon