VIII. BP

1 0 0
                                    

VII.

"Where are you?" Tanong ni Klaus sa kabilang linya.

"Papunta na diyan! Wait lang. I'll call you back." Sabay baba ko ng phone.

Nagmamadali na akong pumuntang library dahil tutulungan niya ako magfinalize nung thesis namin. Tomorrow is heart's day, and also our final defense. So basically, sobrang busy ng buong school.

Nairaos kong matapos ang hinabol kong parts ng thesis namin. Nakapagpacheck na kami sa adviser namin. Mangha pa siyang nirush namin 'yon kasi ang ganda raw. Galingan na lang daw namin sa defense.

Hindi alam nila Avery na halos hindi na ako natutulog dahil sobrang gahol ko na sa oras. Ayokong may nasasayang akong oras. Hindi napapansin ni Avery kasi wala rin siya sa dorm. At pag nasa dorm siya, nagcocoffee shop kami ni Klaus.

Speaking of Klaus, sobrang hands on niya at lagi niyang chineck kung nasan na ako sa thesis namin. Given na lagi niya akong sinasamahan, tinutulungan niya rin talaga ako kahit ayoko. Parehas kaming hindi nakakatulog ng maayos pero he thought na kapag nasa dorm ako natutulog ako.

Saktong pag ka akyat ko ng library, ang daming tao sa labas. Nakikiusyoso ako kasi kala ko kung ano meron, may nagcoconfess daw or nag-aaya ng date. So triny kong tawagan si Klaus. Pinalalabas ko na lang siya kasi nasa loob siya at hindi ako makapasok.

Nasa gitna siya kasama ang isang babae, napapalibutan sila nitong mga tao. Triny ko pa lumapit pero nasa middle lang ako. Natatanaw ko lang ang likod niya at nakatingin siya kay Yve, may hawak na bulaklak.

Hindi ko alam bakit hindi ako natuwa sa nakita ko. Narinig ko na may nag-aaya ng date? Inaaya niya siguro si Yve. 1 year ahead kami kay Yve kaya ko kilala. Nakatalikod sa akin si Klaus kaya kitang-kita ko si Yve.

Kung may paganito pala siya, sana ininform niya ako kasi tinatawagan niya pa ako kanina eh. Para hindi ako nagmadaling umakyat. Wala rin siyang nabanggit sa amin na may gusto pala siyang girl.

"Sweet naman ni Klaus. Balita ko matagal na raw may gusto ang isa sa kanila." Dinig kong pinag-uusapan ng iba.

"Baka si Yve? Mukhang iba inaantay kanina ni Klaus eh." Sagot ng isa.

"Tanga. Kanina pa siya nandito eh."

Hindi ko na pinakinggan yung nag-uusap at umalis na ako ng library. Mukhang matatagalan pa yata sila don eh. Kaya tinext ko na lang si Klaus.

Me:

Alis na ako, Kla. Enjoy. :)

Tinawagan ko na lang si Zane at sa kanya na lang ako magpapatulong tutal siya naman talaga dapat ang katulong ko dito.

"Asan ka?" Tanong ko kay Zane.

"Sb. Why? May problema ba ulit?" Natataranta niyang tanong.

"Saang sb? Punta ako. Tulungan mo ako mag finalize." Sagot ko habang pumapara ng tricyle sa labas ng school.

"Okay. Text me kung ano gusto mong inumin. I'll treat you. Ingat."

Binaba ko yung phone at tinext na siya. Nagulat din talaga ako sa nakita ko kanina. I don't know but I feel annoyed or irritated? I really don't know. Maybe nag-expect ako na tutulungan niya ako kasi he said he'll help me.

"Oh akala ko ba walang problema?" Tanong ni Zane nung gumagawa kami.

Nalilito pa ako. "Ha? Wala naman ha? Meron ba?"

Nakangisi siya sa akin. "Really, Ellie?"

"What? Did I do something wrong?" Nalilito na talaga ako.

Songs I Sing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon