Naglalakihang building at sari-saring ingay ng mga sasakyan ang unang bumungad sakin pagkababa ko ng bus.
Habang nakatingin ako sa mga building bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
"hello sino po ito?" tanong ko sa kabilang linya
"ako si ruben yung magsusundo sayo sa terminal, andiyan ka na ba ija?" tanong sakin ni mang ruben
"ah ikaw pala yan mang ruben. Opo nadito na ho ako sa terminal" sabi ko
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si mang ruben para sunduin ako.
"kamusta na ija?" bungad sakin ni mang ruben pagkasakay ko sa loob ng sasakyan. Nasa unahan ako nakaupo.
"ok lang naman po" maikling sagot ko kay mang ruben.
Habang umaandar ang sasakyan siya ring sunod ko sa bawat building na aming madadaanan. Di ko lang talaga mapigil ang sarili ko na ma mangha sa buong manila.
"kamusta na nga pala ang tatay mo" biglang basag ni mang ruben sa katahimikan
"ayon po medyo makulit. Ayaw magpagamot dahil ayaw niyang magtrabaho ako dito" natatawa ako habang kinukuwento ko yun kay mang ruben.
Isa kasi sa matalik na kaibigan ni itay si mang ruben. Kaya nung nagpatulong kami kay mang ruben na maghanap ng mapagtatrabahuhan ay agad niya akong nirekomenda sa kaniyang amo, at yun ang mag asawang garcia.
"ilan tao na nga po pala kayo nagtatrabaho bilang driver sa mag asawang garcia?" humarap ako kay mang ruben para makinig.
"higit sampung taon na ako nagtatrabaho sa kanila. Nasaksihan ko pa nga kung pano lumaki ang anak nilang lalaki" sabi ni mang ruben ang focus n focus sa pag dadrive.
"may anak po sila?" napatingin sakin si mang ruben
"Oo naman" natatawa-tawang sagot sakin ni mang ruben
Nakatulog ako dahil medyo malayo-layo din ang biyahe papunta sa bahay ng garcia medyo malayo kasi yung bus terminal sa kanila. Kaya hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay ng mga garcia.
"patima gising na andito na tayo" agad napamulat ang mata ko ng marinig ko si mang ruben.
Tumambad sakin ang isang malaking bahay. Napapalibutan din ito ng mga halaman, makikita mo rin ang garahe nila na puno ng mga sasakyan.
Nagulat ako ng biglang katukin ni mang ruben ang bintana ng sasakyan. Di ko namalayan na nakababa na pala siya kanina pa kaya dali dali na rin akong bumaba.
"halika na at baka inaantay ka na ng mag asawa sa loob" agad akong sumunod kay mang ruben papasok sa mansyon.
Panay ang ikot ng paningin ko habang nilalakad namin ni mang ruben ang loob ng mansyon. Hindi lang din ako makapaniwala sa sobrang laki ng bahay na to.
Mas lalo akong namangha ng makita ko kung gaano kalaki ang pool area nila, may mga bulaklak din na nakatanim dito, sobrang maaliwalas tignan.
"magandang umaga po ma'am ito nga po pala si patima siya po yung bagong katulong" napatingin ako sa babaeng kausap ni mang ruben.
Isang babaeng makinis at maputi ang nasa harapan namin ni mang ruben. Hindi mo aakalain na nasa edad 60 na ito.
"magandang tanghali po ako nga po pala si patima alvares" isag malawak na ngiti ang pinakawalan ko habang nagsasalita ako.
" your so beuliful, how old are you?" mahinhin lamang ang boses niya
"kaka 20 ko lang po nitong nakaraang buwan" nakangiti pa rin ako
"you're too young, btw i'm dulce garcia and that guy sitting there is my husband, victor garcia. Sige ija i hope maging mabuti ang pagtatrabaho mo dito" pagkatapos niyang banggitin ay lumakad na siya papalayo. Sinundan ko pa siya ng tingin habang nakangiti. Sobrang ganda niya.
Maya-maya lang ay ipanakilala na ko ni mang ruben sa iba pang mga katulong sa bahay na ito. Marami silang katulong dito sa bahay na ito kasama na din doon ang hardinero at mga guard sa bahay na ito.
8 ang katulong nila kasama na ako doon. Naikwento din sa akin ni mang ruben na madalas wala ang mag asawang garcia sa mansiyon na ito. Mayroon din kasi silang bahay sa U.S
Agad kaming nagsilingunan nang biglang magsalita si manang sintia ang pinaka head namin.
"dadating bukas ng gabi si sir dave, malou, patima pakilinis ang kwarto ni sir dave" utos samin ni manang sintia kaya mabilis akong hinila ni malou.
"sino nga pala si sir dave?" tanong ko kay malou habang naglalakad kami sa hallway ng 2nd floor.
"anak siya nila maam at sir" sabi ni ate malou
"bakit di sila magkasama?" tanong ko
"si sir dave na kasi ang nag-aalaga sa kompanya nila sa makati at tiyaka madalas nasa U.S ang mag asawa. Kaya naka bukod na rin si sir dave" kuwento ni malou
Tumigil naman kami sa isang malaking pinto, Pagbukas namin dito ay bumungad samin ang isang malaking kwarto. Malalaman mo na agad na lalaki ang may ari ng kwarto nito dahil puro itim ang disenyo sa loob.
Sinimulan agad namin linisin ang bawat sulok ng kwaro pati na rin ang cr nito. Hindi naman gaano madumi kaya mabilis na lang namin itong nalinis.
Kinabukasan. inutusan ako ni manang sintia na magdilig ng mga halaman sa garden dahil wala ang hardinero.
Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang buong paligid ng hardin na ito. Sobrang aliwalas at lawak ng hardin marami ding bulaklak ang nakatanim dito. Nakuwento din sakin ni malou na mahilig daw talaga sa halaman si ma'am dulce.
Pagkatapos ko sa garden ay lumipat naman naman ako sa may pool area para diligan din yung mga halaman doon at linisin na rin yung pool.
Pagkatapos ko maglinis ng pool ay dumiretso na rin ako sa kusina para tulungan sila manang sintia sa pagluluto, madami silang ihahanda dahil kasama daw nung sir dave yung tatlo niyang kaibigan.
"pakilagay nito sa freezer patima" inabot sakin ni manang sintia yung kilo ng manok na agad ko namang kinuha....
Mga 8:00 pm daw ay dadating na ang anak nila maam dulce kasama ang mga kaibigan nito.
Lumipas ang ilang orss ay nakarating na din sila. Nasa labas sila maam dulce at ang asawa nito kasama ang ibang mga katulong para salubungin sila sir dave. habang kami ay nandito sa lamesa para ayusin ang mga pagkain.
Hindi na namin nakita ang pagpasok nila dahil dumiretso agad kami sa kusina. Pero maririnig mo pa rin ang tawanan nila maam dulce. Habang si malou naman ay tuwang-tuwa sa tabi ko.
"ang pogi talaga ni sir dave" sabi niya habang hawak-hawak niya yung mga inumin.
"ito talaga ilabas mo na nga iyang mga inumin" sabi ko kay malou
"ikaw na. may iniuutos sakin si aling sintia" bigla niyang inabot sakin yung hawak niyang wine kaya wala akong nagawa kundi kunin na lang iyon. Kaya agad na lang akong lumabas ng kusina.
-maint-san
:)
YOU ARE READING
the day we met
Romancepatima alvares is a simple woman living in the province with her parents. due to money problems she thought of working and venturing to manila as a maid. he was also forced to stop studying to work in manila. but he did not expect that the family he...