Bebe ♥

18 3 0
                                    

"Bebe, i lab you." sabi ko sa bebe ko nago siya umuwi. Hinatid niya kasi ako galing simbahan. Makadiyos kasi kami.

"Sige bebe ko, uwe ka ako a? Mwah."

Ang sweet, kinikilig ako sa bebe ko. Umalis na siya. Hinintay ko muna siya makalayo bago ako pumasok ng mansion namin. Mansion kasi bahay namin, yung tipong sala namin kwarto na kusina pa. All in one ika nga.

Ako ng pala si Minda Karme, bantot ng aprlyido e parang karne. Ang syota ko naman ay si Nato Valdez. Bagay na bagay kami, pareho kaming 4rth year high school. Magkaklase kami.

Tinext ko kaagad si bebe ko.

To Bebe: bEbe, ingat ka paUwi. Tixt mo kaAgaD ak0 paGkawe mO. Lab yu :*

Di ba ang sweet namin. Panis kayo, kami na pinaka the best couple :P

Maya maya tumawag naman na si Bebe ko,

"Bebe, kakauwi ko lang."

"Good, kumain kana? Ano ulam niya? Kami adobong sitaw e."

"Saamin munggo nga e."

"Ay, sarap naman. Sige kain muna tayo bebe."

"Sige it well ka bebe ko. Mwah."

Binaba ko na yung phone ko. Ganyan yan lagi si bebe e, laging namamwah. Ang sweet niya diba.

Pagkatapos kong kumain naghugas na ako ng plato namin. Nagtext na siguro yun si Bebe ko. Pagkatapos kong maghugas tinignan ko yung phone ko.

Ay tinadtad ako ng text ni Bebe ko.

'Bebe waLa nakO pnTawaG ub0s n 15 mins col q.'

'tAp0s knA ba kUMain?'

'Bebe?'

'oY'

'Bebe?'

'Bebe'

'Bebe'

'Be?'

'Be'

'Bebe q?'

'Bebe q?'

'Bebe q?'

'Bebe q?'

'Bebe q?'

'Bebe q?'

Ay napakasweet naman talaga ng syuta ko, Tx ko na nga.

'BebE kkaTap0s kO lang magHugaS ei, mix mo namAn aGad aq. Hehehehe."

'Uo e, nAmisS nA kta agAd. Labyu.'

--

Matapos naming maghigh school, pagdating ng college unti unti ng nagbabago si Bebe ko, kung paano siya mas naging pogi mas madami ng nagkakagusto sa kanya. Yung dating sweet nagiging ngayon pumapakla na. Nababarkada na kasi siya, magkaiba kasi kami ng school. Saktong 4 years na namin ngayong araw. 3rd year college na kami. 1 week na siyang di nagpaparamdam sakin. Siguro may surprise lang siya. Papunta na ako sa bahay nila ngayon susurprisin ko siya e ^_^

Di tulad ng bahay namin, malaki yung bahay nila. Di man ganun kalaki basta masasabi mong may kaya sila Bebe ko. Siya lang magisa diyan kasi nasa ibang bansa mama niya tas only one siya, tama ba? Diba only one tawag pag ikaw lang magisang anak? Aba ewan.

"Surprise bebe ko."

Ang ganda ng ngiti ko pagkasabi ko nun nung pumasok ako sa bahay nila. Pero nawala din agad yun ng makita ko siyang may kahalikan na iba. Bakit mo to ginagawa sakin Bebe ko. Nahulog ko yung dala kong gift para sa kanya.

Agad kong sinampal si Bebe.

"Bakit mo ko ginaganito?" umiiyak na tanong ko.

Hindi sumagot si Bebe, yung kahalikan niya yung sumagot.

"Excuse me, ikaw ba girlfriend niya? Well, I'm so sorry my dear pero di kana niya mahal. Lokk at you ang cheap mo. Ew." tas hinalikan na niya ulit si Bebe.

Mas naiyak ako ng halikan din siya ni Bebe, sa harap ko pa mismo. Tumakbo na ako sa labas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta napaupo nalang ako at iniyak lahat ng iyak ko.

Napakasakit, kaya pala hindi na niya ako masiyadong pinapansin. Pero bat ganyan ka naman bebe ko, dapat nakipagbreak ka nalang imbis na ginanito mo ako. Ang sakit kasi. Huhuhuhuhuhu.

-----

After 3 years.

Nandito ako sa bahay namin, lilipat na kami ng bahay inaayos ko na lahat ng gamit. Nakatapos na ako ng pag aaral.

"Minda, may naghahanap sayo sa labas."

"Sino ho ma?"

Tanong ko kay Mama na ang ganda ng ngiti.

"Abay puntahan mo nalang duon.''

Lumabas na ako, nagulat ako sa nakita ko.

"Bat ka nandito?"

Akala ko galit padin ako, pero hindi na pala. Parang gusto ko nalang siya mayakap ngayon dahil namiss ko siya.

"Bebe, sorry sa lahat. Akala ko kasi di na kita mahal pero mahal na mahal pala kita."

"Pero 3 years mo akong iniwan." sabi ko sa kanya.

"Hindi kita iniwan, halos araw araw sinusundan kita. Patawarin mo na ako Bebe, nahihiya pa kasi akong magpakita sayo dahil sa nagawa ko."

"Bat mo ba nagawa yun?" umiiyak nanaman ako.

"Kasi nga akala ko hindi na kita mahal, pero nagkamali ako."

Niyakap niya na ako. Niyakap ko nadin siya.

"Bebe patawarin mo ako." umiiyak na din siya.

"Oo naman, matitiis ba kita. Nasayang na nga yung tatlong taon e. Mahal na mahal din kita bebe ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon