#Vincent Pov'sHabang titig na titig na ako sa larawan ng babaeng naka-featured sa bagong society magazine na dumating sa aking opisina, hindi ko alam kung bakit parang may kumikiliti sa aking puso ng makita ko ang kanyang ngiti sa mga labi, at sa maging mga matang tila nakangiti rin sa lens ng camerang kumuha ng larawang ito.
Ang ganda naman ng babeng ito. Neribeth Valdez pala ang kanyang pangalan at bagong nakikilalang business woman sa business world. Hmm.. at single pa pala, Well baka naman may boyfriend.
"O, nag-iisa ka rito sa office mo, pero ngingiti ka jan. Ano ba iyang binabasa mo jan? Patingin nga!"
"Ha?"
Pero bago pa ako makapag-react naagaw na pala sakin ng magaling kong pinsan na si Jerome ang magazine.
"Hey! Give me that!"
"And what is so important with this? Teka, ito ba ang sinisipat mong larawan? Aba, ang ganda, ah."
"Jerome, akin na iyan, okay!"
"Sanadali! Minsan ka lang magkainteres sa isang babae, hayaan mong basahin ko kung sino siya, ha? Neribeth Valdez, young entreprenuer. Hmm..., oo nga, siya nga iyon. Narinig ko na ang pangalang ito, ah. Siya nga iyon."
"Ang alin?"
"Nakita ko na siya sa isang party na nadaluhan ko noon. Very popular nga siya dahil sa loob lang ng may tatlong taong pamamahal niya sa kumpanyang pag-aari ng kanyang Lolo Gabriel Valdez, nakuha na niya ang posisyon ng pagiging CEO."
"Talag? Ano pang impormasyon tungkol sa kanya ang alam mo?" bigla akong na-excite sa isiping may alam pala ang pinsan ko sa babaeng yun.
"Well, ang iba ko pang naririnig tungkol sakanya, medyo matapang daw, matatag at malakas ang loob, lalo na sa pakikiharap sa mga ka-deal. At kapag natapos na raw makipag-meeting sa mga kausap, hindi puwedeng hindi nito maisara ang deal"
"Talaga."
"Oo. Kumbaga, matinding convincing power niya."
"Ows?"
"Oo nga. Pero walang boyfriend, wala ring asawa." natatawa habang sabi ni Jerome.
" Oh, ano naman ang ibig mong sabihin niyan?" natawa nalang si Jerome kasi alam na niya kung bakit.
"Ang ibig kong sabihin, okay naman sana kung balak mong pormahan. Ang problema, balita ko man-hater raw yun."
"Ows?"
"Kaya kung gusto mong diskartehan, mag-isip ka ng tamang diskarte. Iyon bang hindi ka basta eentra. Kailangan kasi sa mga ganyang man-hater ay pinapaamo muna."
Hindi man seryoso ang naging pag-uusap namin ni Jerome kanina pero tumatak naman sa isip ko ang payo niya.
At mukhang kailangan ko yata mag-isip kung paano ko mapapaamo amg isang Neribeth Valdez.
Ng sumunod na mga araw at linggo, kakaiba na ang nararamdaman ko tuwing nababasa ko ang mga articel niya.
"Ano? Balak mong makipagkilala nay Neribeth?" maang na tanong ni Jerome sakin ng sabihin ko ang plano ko.
"Oo. Iba na talaga ang nararamdaman ko eh. Hindi ko nga alam kung dahil lang magkapareho kaming nasa contruction business at minsan ay bagkakaribal pa ang mga tauhan namin sa mga sinasalihang bidding, o talagang matindi ang dating niya sa akin." sabi ko.
"Alam mo? ikaw na rin ang nagsabi na nagkakabangga ang mga kumpanya niyo sa mga sinasalihan ninyong mga bidding, sa palagay mo tama ba na malaman niya na ikaw ang may ari nito?"
