First Sight

50 3 5
                                    

Monday na naman. May pasok na naman. Wala naman nangyayaring bago, paulit ulit nalang ang lahat ng nangyayari sakin. Gigising ng maaga. Maliligo. Magbibihis. Kakain. Aalis ng Bahay. Maghihintay ng Bus. Traffic. School. Uwi sa bahay. Kain. Tulog. Parang isang robot. 

Gusto ko makipagpalit ng buhay. Pati nga pangalan ko ay malungkot pakinggan. Luke  Mendoza. Ilan na ba ang kakilala niyong Luke? At lalo naman ang apelyido ko. Isa siguro sa inyo kamag-anak ko. May magagawa pa ba ako. Aalis na nga ako at baka mahuli pa ako sa klase ko.

Kahit sa loob ng bus wala ka man makitang kakaiba. Ang bilis mapuno ng bus, Matulog na lang muna ako. 

"Ayala. Ayala" sabi ng conductor. 

Sa sobrang dami ng tao, yung iba ay naka tayo nalang, 

"Manong, dadaan po ba kayo ng Paseyo?" sabi nung isa babae. 

"Oo. dadaan ng Paseyo." sagot ng conductor.

"Kuya pababa na lang po ako ah." Sabi ng babae.

"Hmmm. Parehas pa kami ng bababaan." isip ni Luke. 

Sinilip niya kung sino yung babaeng bababa din sa Paseyo. 

At dun ko siya nakita. Parang tumigil ang lahat. Ang paghilik ng katabi ko, ang ingay ng mga kotse sa labas, ang kwentuhan ng mga tao sa bus at ang paghinga ko. 

Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganto? inatake ba ako sa puso? Malinaw pa naman ang paningin ko (ang ganda nga niya eh). Ramdam ko pa rin naman na tumitibok ang puso ko (siya ang laman sa bawat pagtibok nito). Ha? Ano tong mga iniisip ko? 

Biglang siyang napatingin sakin.  Hindi ko maiwas ang tingin ko sakanya. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Kulay brown sila. bagay sa maliit niyang mukha. Napakaputi niya. Lalo siyang pumuti dahil sa kulay pula niyang buhok. 

Biglang iwas siya ng tingin. Syempre, may nakatitig ba naman sayo. Hindi ka ba naman maiilang. 

"Ano ba wag mo nga takutin si Red!" sigaw ng utak ko sa akin. Ha? Teka, at bakit Red na ang tawag ko sa kanya? 

"Paseyo. Lahat ng Paseyo diyan dito ang babaan, wala doon sa kabila." Humarap ang conductor kay Red "Miss dito na ang paseyo". 

"Thank you po kuya." sagot ni Red.

Ang sarap lang pakinggan ng boses niya. Kung pwede lang ulit ulitin, gagawin ko. Biglang umandar na ang bus

"Ay. teka manong para po. Excuse me kuya, padaan."

"Naku doon ka na sa susunod na bus stop. Kanina pa ako sigaw ng sigaw ng Paseyo eh."

Umupo nalang ako ulet. 

"Hay. kelan ko kaya siya ulit makikita?"

Tumingin nalang siya sa labas ng bintana at nikita niya si Red na parang nawawala. 

Hindi ko man siya matulungan. Saan kaya siya pupunta? 

Sana.

Sana napansin din niya ako. 

Bus RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon