My misery days

26 0 0
                                    

Monday.

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

Saturday

Sunday

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Isang linggo at apat na araw. ISANG LINGGO AT APAT NA ARAW na ako bigo (bigo talaga ang term ko eh no?)  hindi ko pa rin siya ulit nakikita. Siguro kailangan ko nang itigil tong kabaliwan ko (teka teka hindi ko pala matitigil un, since birth, baliw na talaga ako eh). Eto ang ginagawa nang pag-ibig sa mga taong baliw na nga eh mababaliw pa lalo at syempre hindi pwedeng kalimutan ang pagiging tanga. Isa akong magandang halimbawa dyan. Baliw kasi tuwing sasakay ako nang bus ay inaabangan ko siya, at umaasa na sana makita ko siya ulit. Tanga kasi ilang araw na ang nakalipas at eto parin ako nganga. Ang hirap naman itigil nitong kahibangan ko kasi naging habit ko na siya (wow wala pang buong 2 weeks naging habit na. waaaaaaa! Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Malala na to. Patingin na kaya ako, ano sa tingin niyo? At talagang tinanong ko kayo asa naman akong sasagutin. Naku baka iba ang sumagot wag naman ┐(・。・┐) )

“Paseyo! Walang babaan doon sa kabila!” sigaw ng driver

Buti nalang nagsisigaw-sigaw si kuya kung hindi lalagpas nanaman ako.

Pagbaba ko ng bus eh umalis na din agad ang bus at nakita ko siya! Siya! Siya ay nakaupo sa likod! Siya na isang linggo at apat na araw ko na hinahanap. Siya na kanina ko pa inisip eh nasa bus lang din pala! (sabi sa inyo eh T.A.N.G.A eh.)

Ayan si tanga hinabol ang bus.

Takbo.

Baba hagdan.

Takbo.

Akyat ng Hagdan.

Takbo ulit.

Pagdating ko ng waiting shed. Nakita ko yung bus na nasakyan ko nakapila pa. Yes! Makikita ko na siya ulit. Onting antay pa. may naunang isang bus at isang jeep sa bus na nasakyan ko kanina. Grabe ah parang ang tagal ko nang nag iintay ah. Sadya lang talaga? Hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa haba haba ng pag-iintay ko eh ayan na lang siya. Isang jeep at isang bus ang layo sakin. Sa sobrang excited ko hindi ko na pansing may humihila na sakin.

“a-anong kailangan mo sakin?” tanong ko

“kanina pa ako dada ng dada hindi mo pala ako naiintindihan! Halika ka na at sabay na tayong pumasok. Kung sino man yang hinihintay mo, eh sa klase mo nalang. Papasok din naman yun. At pakopya nga pala ako homework sa Trigo.” Sabi ni Eddie

“aaaaaaaah. Mauna ka na. eto bag ko, hanapin mo nalang diyan ung homework.”

“wow! Ano ako alalay mo. Sino ba hinihintay mo? Sige dito nalang ako kokopya. Samahan na kita. At makita ko kung sino yang hinihintay mo. Nakakaintriga eh.”

“umakyat ka na! susunod nalang ako.” Tinulak tulak ko na siya papasok sa building. Nang nakita kong hindi na siya ulit lumabas eh tumakbo ak papunta ulit sa waiting shed at pagting sa ko mga bus. TADA! Wala na. wala na ang bus. Waaaaaa! Nakakabaliw to!!! Kung sinuswerte ka nga naman oh. What the heck!

Wala na ako nagawa kung umakyat sa room namin. Hindi ko na napansin ang lahat ng bumangga, nag hi, nag hello.

“o pre salamat ah.” Eddie, sabay abot ng bag ko.

Umupo nalang ako sa upuan ko.

“hindi ka na sinupot?” eddie

“hindi ka na nga sinipot no” eddie ulit

Isa pa tataman na to sakin.

“tama ako no? mukha kang binagsakan ng lupa” siya parin

Lord tulungan niyo po akong hindi makapatay.

“ok lang yan bro” sabay akbay

Humarap ako saknya at sinakal ko siya.

“bro ma-masakit”

Binitiwan ko rin naman agad (ayaw kong makapatay no. hindi naman niya ako dadalawin sa kulungan. Wow brain siya parin talaga iniisip mo)

Haaaaaaay. Isang mahabang aaraw nanaman to…. Bakit ba kasi hindi ko siya napansin nung nasa bus pa ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yehey!!! May update na ko. After ilang millennium.

READ READ READ READ

Thank you sa mga nagbabasa nito J

Thank you din sa mga nag-antay sa update :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bus RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon