11

194 9 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay nila ay pinapasok ako ng isang maid nila. Pinapasok ako na hindi naman ako ganoon kilala at saka isang beses pa lang ako pumunta dito para maalala nila ako.

Nakita ko ang isang maid na may hawak na palanggana kaya lumapit na ako sa kanya.

"Um, para po ba iyan kay Theo?" Tanong ko.

"Yes po, ma'am."

"Mukha kasing marami pa kayong gagawin kaya ako na po diyan." Kinuha ko na sa kanya ang hawak niyang palanggana. "Saan po yung kwarto niya?"

Mahirap na baka maling kwarto pa ang mapuntahan ko. Pero ang balita ko kasal  at may mga anak na yung dalawa niyang kuya – kahit na.

Tinuro na niya sa akin kung saan banda ang kwarto ni Theo kaya pumunta na ako doon. Kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto.

Nakita kong himbing ng tulog niya at lumapit ako sa kanya para alamin kung mainit pa ba siya. "Ang init mo pa."

"Mmm..." Dahan-dahan niyang dinidilat ang mga mata niya at tumingin sa akin. "Zia?"

"Ako nga."

"Why are you here?"

"Hindi ba gusto mong magusap tayo kaya pumunta ako sa CAS pero ang sabi ng babae doon sa front desk hindi ka daw pumasok ngayon dahil mataas ang lagnat mo kaya nagpasya akong pumunta dito. Lakas mo rin mang guilty, 'no?"

"Guilty ka ba sa nangyari sa akin?"

"Hindi ako guilty. Naparito ako para sakalin ka kaya ingat baka may gawin akong masama sayo habang tulog ka. Bwesit."

Pinapanood ko lang siya bumabangon. Bahala siya diyan. "Isang taon na kitang kilala, Zia. Alam kong hindi mo magagawa iyan habang tulog ako."

"Paano ka nakakasigurado na hindi nga kita sasakalin kapag tulog ka."

"Alam kong galit ka sa akin, Zia."

"Mabuti alam mo. Ano ba ang kailangan mo sa akin? At bigla kang nagmamakaawa  sa akin kahapon."

"Ilang araw kong pinagisipan yung huling sinabi mo sa akin. Inutusan ko pa si Alan na hanapin ka pero palaging bigo ang paghahanap sayo. Gusto ko lamang makilala ang anak natin."

"Wala kang anak sa akin, Theo. Sayo pa mismo nanggaling na ipalaglag yung bata. Matagal ng patay ang anak mo."

"Hindi mo ko maloloko. Alam ko yung batang kasama mo kahapon ay anak natin."

"Baka nakakalimutan mo binigyan mo ko dati ng pera para ipalaglag yung bata kaya wala kang anak sa akin, Theo."

"Alam kong mali ang sinabi ko na ipalaglag mo yung bata. Hindi pa kasi ako handa."

Hindi handa?! Grrr... Pigilan niyo ko dahil nang gigil ako at baka mapatay ko lang ang taong 'to.

Kalma, Zia. Kalma. Ang puso.

Huminga ako malalim. Kailangan ko pang habaan ang pasensya ko sa taong 'to. "Hindi ko na uulitin ito ah kaya makinig ka ng maigi sa akin. Huwag mo na guluhin ang buhay ko kasi tahimik na noong wala ka, eh. Matagal ko ng pinutol ang ugnayan ko sayo simulang sinabi mo sa pagmumukha ko na ipalaglag ko yung bata."

"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang tumalon ako sa building? Para lang patawarin mo na ako."

"Wow, big word. Pero hindi naman ako masamang tao para iutos ko sayo na tumalon ka sa building o pakain sa pating."

"So, pinapatawad mo na ako?"

"Wala akong sinasabing pinapatawad na kita ah. Ang gusto ko lang gawin mo huwag kang lalapit kay Kyle. Kapag nakita kita lumalapit sa anak ko baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

"Ano ang gagawin mo sa akin? Hahalikan? Huy, pwede mo naman ako halikan."

"Wha–" Namumula na yata ang pisngi ko. Hindi sa kilig, kung 'di sa inis ko sa kanya. "Ang kapal din ng mukha mo, 'no? Bakit naman kita hahalikan?"

"Ayaw mo pa kasing aminin sa akin... Sa una pa lang natin pagkikita ay may gusto ka na sa akin."

"May sakit ka ba talaga o nagpapanggap ka lang na may sakit hayop ka?! Ang lakas mong mang asar."

"Napipikon ka na ba sa akin?"

"Matagal na 'kong pik–" Nagulat ako ng hatakin niya ako at dumikit ang mga labi namin. Hinahalikan niya ako?! Gusto ko siyang tulakin pero nawala ang lakas ko.

Humiwalay na siya. "Huwag ka na mainis sa akin."

"Hayop ka talaga!" Pinaghahampas ko siya sa inis ko sa kanya. "Paano ako hindi maiinis?! Kapag nakita ko iyang mukha mo mas lalo ako naiinis!"

"Aray. Masakit na." Sinalo na niya ang kamay ko."

"Bakit mo ba ako hinalikan diyan? Binigyan ba kita ng permiso na halikan ako?"

"Kailangan bang may dahilan at humingi pa ako ng permiso mo?"

"Malamang kailangan mo ng permiso! Pero hindi ko pa rin ibibigay sayo."

"See? Kaya hindi na ako humingi ng permiso sayo dahil hindi ka rin naman papayag. At saka hindi mo pa sinasagot ang unang tanong ko."

"Oo, kailangan talaga ng dahil–"

"Ang dahilan ko kaya kita hinalikan kasi gusto kita."

Hinanda ko na ang kamao ko at akmang susuntukin ko na talaga siya. "Tigilan mo nga ako, Theo! Mapapatay talaga kita"

"Oo nga. Matagal na 'kong may gusto sayo, Zia. Isipin mo ang mga ginagawa ko noon."

Iniisip ko ang lahat na ginagawa ni Theo pero wala talaga akong maalala na niligawan niya ko o gumagawa ng moves.

"Wala ako maalala na gumawa ka ng moves o nangligaw man lang."

"Grabe ka talaga. You hurt my feelings pero hindi iyon. Pinakilala kita kay mommy."

"Yeah, as a friend. Iyon naman ang tingin mo sa akin at hindi na hihigit pa doon."

"Tsk, ang slow mo naman. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sayo." Humiga ulit siya sa kama niya. "Malamang papakilala kita sa mga magulang ko bilang kaibigan ko. Ayaw naman kitang biglain kahit rin sila kung papakilala kita sa kanila bilang girlfriend ko, 'di ba? Hindi pa naman kita nililigawan."

Palihim akong ngumiti. Inaamin kong kinikilig ako doon. Bwesit talaga itong si Theo.

"Pasalamat ako dahil hindi kita naging boyfriend ko. Hindi kita gusto."

"Ouch. Ang sakit mo magsalita. Umalis ka na nga baka ano pa ang sunod na sasabihin mo sa akin."

Paalis na sana ako sa kwarto niya ng tawagin niya ulit ako.

Humarap ako sa kanya. "Ano? Ano na naman ang kailangan mo?"

"Para saan itong palanggana?" Tanong niya.

Tiningnan ko kung saan ko nilapag yung palanggana. Nawala na isipan ko. "Pupunasan sana kita."

"Pupunasan mo ko? Dali, punasan mo na ako." Hinubad na niya ang pangitaas niya. "Alam kong maganda ang pangangatawan ko."

Kumunot ang noo ko. "Sino may sabi?"

"Huli ka na pero hindi kulong."

"Ewan ko sayo." Kinuha ko na yung bimbo at piniga bago punasan ang katawan niya.

"Kyle ang pangalan niya, 'di ba?"

"Oo, Kyle pangalan ng anak ko."

"Ano ang gusto niya? Like toys, foods..."

"Mahilig siya sa toy cars at kahit ano kinakain niya pero mas mahilig siya sa gatas sa umaga. Hindi iyon pwede mawala sa almusal ni Kyle."

"Wala akong masyadong alam sa mga bata kasi walang mas bata sa akin maliban kay Thea pero kakambal ko iyon. Ano pa ba... Um, nagaaral na ba siya?"

"Oo, nagaaral na siya ngayon. Bakasyon nga lang. Tapos na kita punasan. Kukuha lang ako ng damit mo."

Till He Met HerWhere stories live. Discover now