"Sakto ang paguwi mo, Theo." Pagsalubong sa akin ni Thea pagpasok na pagpasok ko sa bahay.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Nagvivideo kami nila kuya Travis at kuya Evan. Gusto rin kasi tayo makausap ni kuya Evan."
"Tungkol saan?"
Kibit balikat ito. "Hindi ko alam. Tara na sa taas."
Sumabay na ako kay Thea umakyat papunta sa kwarto niya. Ugh, kahit kailan talaga ayaw kong pumasok sa kwarto niya. Masyado kasing girlish ang kwarto. Sabagay, maarte namab talaga itong kakambal ko.
"Good. Kumpleto na tayong apat." Sabi ni kuya Evan habang nasa hospital pa rin yata si kuya Travis ngayon at maraming ginagawa.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin sa amin, Evan?"
"Heto na nga, uuwi ako sa makalawa at sa bahay na muna ako papalipas ng ilang araw kasi wala pang alam si Jas na uuwi ako. Kinausap ko na rin sina Eve at ate Mindy kung pwede tulungan nila ako sa surpresa ko. Kailangan ko rin ng tulong niyo?"
"Anong surpresa mo kay ate Jas?" Tanong ko. Nagulat nga ako noong binalita sa amin ni kuya Evan engaged na sila ni ate Jas kasi ang alam ko kasal na si ate Jas pero alam ko rin may anak sina ate Jas at kuya Evan. Kilala ko rin ang naging boyfriend ni ate Jas dahil schoolmate ko siya dati pero hindi kami ganoon close sa isa't isa.
"Kasal. Dapat noong bago ako umalis ay magpapakasal na kami pero ito ang nangyari."
Napanganga ako sa narinig. Magpapakasal sila ni ate Jas, ang ibig sabihin hindi pala kami pwede magpakasal ni Zia ngayong taon. Damn it.
"Ako ang bahala kay ate Jas. Kunwari mamasyal kami."
"Pwede mo bang samahan si Jas sa boutique para sa wedding gown niya? Hindi talaga naasikaso ang kasal namin. At saka ibibigay ko sayo ang pera paguwi ko."
"Sure, no problem. Leave it to me, kuya!"
"Thank you, Thea."
"Guys, una na ako. Marami pa akong pasyente ngayon." Sabi ni kuya Travis.
"Sige, ingat ka palagi, bro."
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon at kumunot ang noo ko dahil si kuya Travis ang tumatawag. Ang akala ko ba marami pa siyang pasyente tapos tumatawag sa akin.
"Excuse me. Sasagutin ko lang ito." Sabi ko at lumabas na sa kwarto ni Thea. Sinagot ko na rin ang tawag ni kuya Travis. "Bakit ka biglang tumawag sa akin? Ang akala ko ba marami kang pasyente."
"Oo, marami akong pasyente ngayon."
"Bakit nga kasi tumawag ka sa akin?"
"May problema ba? Napansin ko kasi kanina na bigla kang tumahimik. Sabihin mo sa akin kung may problema ka."
"Wala akong problema, kuya. I'm totally fine."
"Bakit bigla kang tumahimik kanina?"
"Kanina kasi nagpropose ako kay Zia."
"Really? Congrats, Theo. Kaya ka ba biglang tumahimik dahil sa binabalak ni Evan?"
"Yeah, iniisip ko na hindi pala matutuloy ang pagpakasal namin ni Zia at saka hindi naman ako masamang kapatid para tumutol sa kasiyahan ni kuya Evan."
"Bakit hindi mo muna kausapin ang girlfriend mo?"
"Knowing Zia, papayag iyon at hindi rin naman kami nagmamadali."
"I'm happy for you. Kailan mo pala papakilala sa amin iyang girlfriend mo? Hindi ko pa siya kilala kasi wala ako noong nagmamanhikan kayo sa kanila."
"Kasal na lang ni kuya Evan. Isasama ko ang mag-ina ko."
"Sige na. Ibaba ko na ito kasi tinatawag na ako."
"Ingat ka palagi, kuya."
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay nila Zia para hatid ko ang mag-ina ko sa school.
"Daddy!" Tumakbo na si Kyle papunta sa direksyon kaya lumuhod na ako sa harapan niya. "Good mowning."
"Good morning, buddy." Ngumiti ako sa bata at napansin ko na ang presensya ni Zia kaya tumayo na ulit ako.
"Hindi mo naman kailangan hatid-sundo kami araw-araw."
"No, I insist. At saka may gusto akong sasabihin sayo."
"Tungkol saan ang sasabihin mo?"
"Sumakay na muna kayo para hindi kayo mahuli." Pinagbuksan ko na ang pinto sa backseat para makapasok na si Kyle sa loob saka passenger's seat. Sumakay na rin ako sa driver's seat at pinatakbo ko na ang makina.
"Ano ang sasabihin mo sa akin?"
"Gusto ko kasi pakilala kayo sa mga kuya ko. Uuwi si kuya Evan sa makalawa at magpapakasal na rin sila ng fiancee niya."
"Ang akala ko pa naman importante ang sasabihin mo. Ang seryoso mo kasi kanina, eh. Gusto ko rin naman makilala ang mga kapatid mo pero nakilala ko na si Althea."
"May isa pa akong sasabihin."
"Ano naman iyon?"
"Ayos lang ba sayo na hindi muna tayo magpakasal?"
Kumunot ang noo nito. "Bakit? Pagkatapos mong magpropose sa akin kahapon tapos magbabago ang isip mo."
"Zia, relax. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Tutal hindi pa naman natin pinaguusapan ang tungkol sa kasal at saka wala pang alam ang pamilya ko na nagpropose ako sayo maliban kay kuya Travis dahil sinabi ko sa kanya. At gaya nga ng sabi ko magpapakasal na si kuya Evan sa fiancee niya kaya napaisip ko na hindi tayo pwede magpakasal ngayon taon."
"Putek naman, Theo, pinakaba mo ko doon."
"Sorry kung iba ang naiisip mo."
Kita sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin. "Okay lang sa akin na hindi muna tayo magpakasal ngayong taon. Hindi naman ako nagmamadali pero pagusapan na rin natin ang tungkol sa kasal."
Sabi na iyon ang sasabihin niya. Kahit tatlong taon kami nagkahiwalay ni Zia ay alam ko na rin ang takbo ng isip niya. Sa madaling salita kilala ko pa rin siya at wala pa rin nagmamabago sa kanya.
Hininto ko ang kotse noong nasa tapat na kami ng school at tumingin ako kay Zia. "Pagusapan na lang natin ang kasal kapag hindi tayo ganoon busy."
"Okay." Hinalikan niya ako sa labi. "Ingat ka sa pagmamaneho ah."
"Bye, daddy!"
"Bye!" Kumaway ako kay Kyle at saka tumingin ulit kay Zia. "Pagkatapos ng klase ni Kyle ay susunduin ko siya."
"Hindi mo naman talaga kailangan gawin ito. Alam kong busy kang tao para araw-araw kami hatid-sundo ni Kyle."
"Hayaan mo na ako, Zia. At least alam kong ligtas kayo nakakauwi."
"Bahala ka na nga. Ayaw ko ng makipag away sayo." Sabi niya at bumaba na sa kotse.
YOU ARE READING
Till He Met Her
RomanceChase Sequel # 3: Theo Chase Dahil pinadala si Theo ng kanyang ama sa isang probinsya para patunayan kung kaya ba niya humawak ng company nila at pumayag si Theo sa kagustuhan ng kanyang ama dahil pangarap niya rin ang magtrabaho sa CAS. Habang nasa...