Chapter 1

29 0 0
                                    

Believe in Love Again

By Sophie_Laoman


Chapter 1

Mananatiling alaala sa kanya ang pag ibig na iyon. She never knew when it would heal. But as long as kaya niya pang ma endure ang sakit na yaon ay di siya nawawalan ng pag-asa na makaka let go rin siya. She should not devote herself in love. It eventually kills her emotionally. She has learned her lesson. And with that she wanted to escape from reality. Kailangan niya ng oras at panahon para makalimutan ang panandaliang sakit na nadarama.


"Let time heal everything.. " napabuntong hininga siya. Namasa na naman ang mga mata niya. Pinahid niya iyon gamit ang daliri niya.

Kagagaling lang ni Jane sa heartbreak. Naghiwalay sila ng nobyo niya mga isang linggo na rin ang nakakaraan. It was indeed a painful heartbreak. She found her boyfriend guilty of cheating. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng taong mahal niya. First boyfriend pa man din niya iyon. Ang apat na taon nilang relationship ay natapos lang sa ganoon. Sa isang iglap lang ay nawala ito nang parang bula. Masakit para sa kanya ang tangapin na wala na ang taong mahal niya. Ipinagpalit na siya nito sa iba.


"JJJJJAAAAANNNNNEEEE! " sigaw ng pamilyar na boses sa di kalayuan. Kumaway kaway pa ito s kanya.


"WELCOME BACK JANE! " sigaw ulit nito habang tumatakbo papunta s direksyon niya. Doon lang niya napagtanto na si Mery iyon, ang bestfriend niya. Dinambahan siya ng yakap nito.


"Hey! Mahina ang kalaban" sabi niya. Bumitaw naman sa pagkakayakap si Mery.


"Ito naman, naglalambing lang e. Namiss kita Jane. " sabi nito at niyakap uli siya.


"Di ka ba natutuwang makita ako Jane? " sabi uli nito na may halong pagtataka. Batid kasi nitong malungkot ang ekspresyon ng mukha niya.


"Syempre masaya ako no.. Na miss ko kaya ang lugar nato. "sabi niya saka pilit na ngumiti.


"So, ang lugar mo lang ang namiss at hindi ako. Ganun? " pagtatampo nito.


"Namiss rin kita no, ikaw pa.. Makakalimutan ko ba yung lokaret na katulad mo" tumawa siya. Natutuwa siyan asarin ang kaibigan niya.


"Aba! Nagsalita ang hindi lokaret! " ganti nito. Nagtawanan sila.



***

"Nga pala, bakit ka nauwi dito sa probinsya natin? " bungad ni Mery saka binuhat ang mga bagahe niya papunta sa dati niyang kwarto. Naupo siya sa couch ng kama saka nagbitaw ng buntong hininga.


"Wala lang, trip ko lang" sabi niya saka yumuko wari tinitingnan ang paa niya.


"Hmm. Kilala kita friend. May si ka sinasabi eh. May problema ka ba? " wika ng kaibogan saka umupo sa tabi niya. Tinapik nito ang balikat niya.


"Wala. " matipid niyang sagot. Sa halip na mag kwento sa kaibigan ay bigla na lang siyang tumihaya sa kama at ipinikit ang mga mata.


Believe In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon