Chapter 2

10 0 0
                                    

Chapter 2

Nagtilian lahat ng mga sumasaludo sa bawat kupunan na magkakalaban sa laro. Nasa kaliwang parte ng bench naka upo ang magkaibigang sina Jane at Mery. Sa huli ay napapayag rin ni Mery si Jane na samahan ito na manood ng basketball game sa open field. Bigla bigla kasi siyang napa Oo nang alukin siya ng binata na manood ng laro nito ngayong gabi.

"Let's welcome the Blazers! " bati nung announcer para ipakilala ang kupunan nina George at kasamahan nito. Kumaway kaway naman ang mga ito sa mga tao. Nawindang siya sa lakas ng tilian ng mga tao. Kulang na lang ay lamunin siya ng mga tili at tila ba siya'y mabibingi sa sobrang ingay ng mga alingawngaw na boses galing sa mga fans.

"Tss. Kaya ayaw kong sumana eh, nakakabingi rito" wika ni Jane sa sarili niya.

"Hoy! Babae! Wag ka ngang nakabusangot dyan! " saway sa kanya ni Mery na nakikisigaw rin.

"Ang ingay eh" inis niyang tugon. Nahagip ng mata niya si George na agad umiwas ng tingin ng makita siyang nakatingin rin sa kanya.

Did she just see George staring at her right? Bakit naman siya titingnan ng lalaking yun? Tss. Napailing na lang si Jane.

"Ehem! " tudyo ng kaibigang si Mery nang mapansing nagkatitigan sila kahit saglit lang.

***

Nagsimula na ang laro at nagkaroon ng matinding tensyon sa pagitan ng dalawang kupunan. Sinadyang e block ang paa ni George habang isino shoot ang bola sa ring. Napangiwi ito sa sobrang sakit kaya dumamba ang katawan nito sa lupa at napahawak sa namimilipit na paa.

"Ouch! That bastard! " saad nito. Agad namang sinamaan ng tingin ng kasamahan ni George ang lalaking gumawa niyon sa kanya. Manapa'y susugurin na sana iyon ng kasamahan pero inawat iyon ni George. He wanted to play having sportsmanship. Isinaisip na lang nito na parte iyon ng laro nila.

"Ayos lang kaya siya? " wika ni Jane na nag aalala sa nangyari doon sa binata.

Nag clear throats naman itong si Mery na halatang tinutudyo na naman siya. Pero di na lang niya pinansin ang himig na iyon ni Mery. She was just worried with that man. Di niya rin alam kong bakit siya nag aalala. Marahil ay di siya sanay na makakita ng taong namimilipit sa sakit.

"Ayos lang yun si George. Matigas ang katawan niyon. Malayo lang sa bituka ang injury niya. " sabad ni Mery saka ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

Muling gumanda ang laro sa pagitan ng mga players. Malaki na ang agwat ng puntos nila George sa kalaban hanggang sa kahulihulihang round ay naipanalo iyon ng 3 point shoot ng binata kahit pa nagka injury ito sa kaliwang paa.

"Yun! " nasambit nito.

Umalingawngaw sa court ang mga tilian ng tao na damang dama ang pagkapanalo ng kupunan na pinanigan nila. Sa bandang huli ay nagkamayan ang mga players bilang tanda ng sportmanship sa laro.

Paika ikang naglakad si George patungo sa men's Cr. Namimilipit pa rin siya sa paa niyang kumikirot. Di nito akalain na makakapaglaro pa siya sa ganoong ayos. Ngayon lang niya batid na sobrang sakit na nito. Napasandal siya sa pinto ng banyo.

"Dude, ayos ka lang?" tanong ng kasamahan niya sa team.

"Ayos lang dude, malayo pa 'to sa bituka. "

***

Sinundan ng tingin ni Mery si George na patungo sa Men's C. R. Kahit papaano'y nag aalala siya sa binata dahil kaibigan niya ito. Magkababata sina George at Mery. Matagal na silang magkakakila at parang kapatid na ang turingan sa isa't isa. Close friend din sa business ng family ni George ang pamilya ni Mery kung kaya magkakilala na ang mga ito. Yun nga lang ay di na recognize ni Jane si George. Bata pa kasi sila nung unang magkatagpo. At dahil na rin sa lumipat ng matitirhan si Jane noong mag elementary siya ay kusa na nitong nakalimutan si George.

Believe In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon