Chapter 2- Kaizer's Dark Side

136 7 0
                                    

Dominique



"Suho? Suho! Andito na ako!" Sigaw ko habang tinatanggal ang sapatos ko at nilagay sa lalagyan at nagslippers.


Dumaan ako sa kusina at nakita ko sa lababo ang gamit na plato. Napailing ako, kahit kailan talaga. Tinanggal ko ang blazer ko at nilagay sa sofa at tinupi ko ang long sleeved polo ko hanggang sa siko at pumunta na sa lababo para hugasan ang plato.


Habang nag-huhugas ako, napaisip ako. Bakit ganun na lang makitungo sakin si Mr. Fuentez? Ganun din ba siya sa lahat? How unprofessional! Napakuyom ako sa naisip kong ganun siya sa lahat.





Teka.


Bakit ako nagagalit!


Pinukpok ko ang ulo ko ng mahina at umiling ng mabilis as if mawawala ang iniisip ko.


Focus Dominique!


Nilagay ko ang mga hinugasan ko sa lagayan at nagpunas ng kamay. Kinuha ko ang blazer ko at pumanhik na sa taas.


Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Suho at tinignan ang sleeping figure niya. Pumunta ako sa tabi niya at nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya.

Medyo mababa na. He'll be fine in no time.


Napagpasyahan kong wag na gisingin si Suho para makapagpahinga na siya. Pumunta ako sa kwarto ko at agad na nagpalit ng damit-pambahay.


Habang nagbibihis, napansin ko ang body mirror ko. Napatingin ako sa repleksyon ko.





Masyado akong payat.


Flat lang ang stomach ko.




Sabagay. Hindi naman ako nag-g-gym. Tinaas ko ang kanang braso ko saka tinignan ang tricep and bicep ko.


Meron. Pero hindi firm.


Sasama nga ako kay Tao. It's pronounced as 'Ta-wu'. Isa siyang martial artist na kaibigan at classmate ko sa History.


Napahiga ako sa kama pagkatapos ko maglagay ng sando at kinuha ang librong regalo sakin ng mama ko last christmas. The Last Song by Nicholas Sparks. Ginawang movie na ito ni Miley Cyrus.


"... When he came.." Start ko at nagbasa na ako.


I have this bad habbit na kapag stressed ako, nagbabasa ako.. Pero naiintindihan ko pa rin ang binabasa ko. Physically, I'm reading. But mentally, I'm wondering off.

No Control. [KaiSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon