Chapter 1- The Interview

180 13 1
                                    

****

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin. Naiinis na ako! Kanina pa ako dito pero di ko alam kung paano ko gagawin ang buhok ko. Sinubukan kong itaas ang buhok ko, pero napasimangot ako. Mukhang kinuryente ang buhok ko! Sinubukan ko namang ibaba, pero nagmukha naman akong bata! Ginulo-gulo ko na lang ang buhok ko at iniwas ko ang tingin ko sa salamin. Bahala na!


Kinuha ko ang blazer ko na nakahanger sa cabinet ko. Sinuot ko na iyon at pinagpagan ang damit ko.. kahit wala naman talagang dumi. Pumunta ako sa kwarto ng bestfriend ko, si Suho Kim. Pagkarataing ko sa kwarto niya, agad kong sinipat ang noo niya. Napabuntong-hininga ako. Mataas pa din ang lagnat niya.


Niyugyog ko ang balikat niya para sabihing aalis na ako.


"Hoy Suho! Suhoooooo~" Sabi ko habang niyuyugyog ko ang balikat niya. Kainis naman. Tulog-Mantika talaga 'tong matandang to.


"HOY SUHO KIIIIIIIIIIIIM!" Sigaw ko sa tenga niya saka naman napabalikwas siya ng pagbangon. Mwehehe. Ayan kase.


"Asan ang sunog? ASAN?! ANG BLACK CARD KO P*TANGINA!!!" Okaaaaaay. Medyo O.A na yun. Kaya binatukan ko.


"G*GO! Akala ko ba may sakit ka?" Saka ko pinandilatan ng mata. Napasimangot naman siya at umirap sakin.


"May sakit nga. Ang t*ngna mo kase.. natutulog ako eh." Inirapan ko na lang siya at nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya.


Ang init pa din. May sakit nga to. Tumatanda eh.


"Aalis na ako. Ikaw na bahala dito ha? Tawagan mo na lang ako kung kailangan mo'ko. May soup dun sa baba. Kumuha ka na lang. Babu." Sabi ko sa kanya at tumalikod na papuntang pintuan.


"Talikuran ba naman daw ako?! May sakit na nga ako eh.." Narinig kong bulong niya at napairap ako.

-

Nakarating na ako sa Speed Lights' Inc. Naghanap ako ng mapapagparking at pinarada ang sasakyan ko, 2009 Toyota. Ayos na kaysa sa wala.


Inayos ko ang buhok ko sa salamin at pinagpagan ang damit ko bago ko kinuha ang brief case at cellphone ko.


Habang naglalakad ako papunta sa entrance, napa-isip ako. Bakit ko nga pala to ginagawa? Ah! Si Suho kasi, isa siyang writer ng isang magazine, at malaking break kapag naka-interview niya ang sikat na si Kaizer Fuentez. Isang sikat na bachelor and businessman. Sobrang importante ito na nagtatatalon si Suho na nag-grant na ang request niya sa wakas na makapag-appointment sa Mr. Fuentez na ito.


Hindi ko pa nakikita ang Kaizer na yab pero ang balita ko, gwapo daw. Pero siyempre, anong paki ko? Basta ako mag-aaral. Pero di ko pa nakikita kahit sa picture yang Fuentez na yan kasi di naman ako mahilig sa business. Music is my last name.


"Good Afternoon sir. How can I help you?" sabi ng babae sa reception area. Hinigpitan ko ang hawak ko sa leather brief case ko at sumagot.


"I have an appointment under the name of Suho Kim for Mr Fuentez." she nodded and tipped something sa keyboard.

No Control. [KaiSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon