Kabanata 4

334K 7.8K 337
                                    

[Harris Tucker Smith ↑↑↑]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Harris Tucker Smith ↑↑↑]

Sam Angeles

Sobrang lakas ng ulan kaya napagdesisyunan muna namin ni Kris na tumambay sa lounge ng building kung saan ginanap ang press conference. Halos lahat nga ng kasama namin sa kanina ay hindi pa nakaka-alis, maski 'yong mga press. I think they're waiting for Smith and Collin. Mukhang marami pa silang katanungan.

Ang akala ko ay dumiretso na ng alis ang dalawang 'yon. Bigla kasing nawala yung mga men-in-black. Tiningnan ko ang orasan, tsk! Ang oras na. Dapat ay nasa dorm ako at nagpapahinga. Sumandal ako sa sa sandalan ng inuupuan ko. I've already finished reading three magazines pero hindi pa din tumitila ang ulan.

"Sam, Magbanyo lang ako." Aniya ni Kris.

Tumango ako bilang sagot. Tumayo siya at kaagad na umalis. itinuon ko na lang ang atensyon ko sa malaking tv para malibang naman ako. Bored na bored na ako at gusto ko ng umuwi idagdag pa ang klase bukas. Hindi pa nga ako nakakagawa ng homework para sa entrepreneurship namin.

Nilabas ko ang jotterpad ko. Tatlong pahina na ang nasusulatan ko. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit ganito ang proyekto namin, I mean para saan? Bakit mangi-istalk kami? Saan naman gagamitin ang mga impormasyon na makukuha namin?

Binalik ko sa loob ng bag 'yong jotterpad. Saktong pagsara ko ng bag ay ang siyang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at kaagad na tiningnan kung sino ang nag text. It's Sid, my friend at parang kapatid na din.

Binasa ko ang mensahe niya.

Sid
-Stay there and wait for me. Susunduin kita.

Napailing na lang ako. Nireplyan ko kaagad siya ng 'Alam mo ba kung nasaan ako?'

Pinagt-tripan nanaman ba ako ng lalaking 'to? Maya-maya lang ay tumunog ulit ang cellphone ko.

Sid
-Tumawag si Kris, sinabi niya kung nasaan kayo. Bakit hindi ka nagdala ng payong? You won't like it if dad finds out about this.

Napangiti ako sa aking nabasa. Nai-imagine ko ang reaksyon ni Don Deogracia, Sid's father. Ang pamilya niya ang kumupkop sa akin. They're my family. Nireplyan ko siya bago ibalik ang cellphone sa bulsa. Puntahan ko na nga si Kris, baka dumating si Sid ng wala pa siya.

Nagtanong ako kung nasaan ang banyo at itinuro nito ang dulong parte ng hallway. Inaasahan ko na makikita ko si Kris pero wala, nasaan siya? Sinilip ko lahat ng cubicle pero wala talaga. Ah! Baka sa second floor siya nagbanyo. Lumabas ako sa restroom a—napatigil ako sa paglalakad ng makita ko 'yong babaeng may kulay pulang buhok. Nagtago ako pero sinigurado ko na makikita ko pa din siya.  Iginala niya ang tingin niya bago siya pumasok sa fire exit.

Saan pupunta 'yon? Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagtungo sa fie exit. Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko ba siya o hindi, pero kasi may koneksyon siya kay Smith. I think secretary siya. Geez! Bahala na nga.

Stalking The Mafia Boss (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon