18 YEARS A GO.....

210 3 0
                                    

18 YEARS AGO.....

3RD PERSON POV:

Ang mundo ng mga vampires ay binubuo ng 4 na kaharian...

Sa north ang kaharian ng White Elf Vampires, sa South ang kaharian ng Dark Blood Vampires, sa East ang kaharian ng Siver Blood Vampires at kaharian naman ng Blue Blood Vampires sa West 

Sa north ay ang kaharian ng mga WHITE ELF VAMPIRES: Sila ang pinakamalakas sa lahat ng mga bampira pero sila ang pinakamababait.

Hindi sila basta basta lang nakikipaghamon ng digmaan sa 3 pang ibang kaharian maliban na lang kung ipagtatanggol nila ang kanilang sarili laban sa mga ito..pero kung madadaan naman sa magandang usapan ang pagkakasundo sa mga kaaway as mas mainam para sa kanila ..

May mabubuting kalooban ang mga White Elf, tinutulungan nila ang sino mang nangangailangan lalo na pag meron epidemya sa mga alagang hayop o sa pinagkukunang pagkain ng mga bampira kahit na ito ay nasa iba pang kaharian.

.Lahat ng bampira ay may kakayahan malaman ang nasa isip ng taong kaharap nila, maliliksi rin sila at mabibilis kumilos, kaya nila takbuhin ang ilang kilometro ng ilang segundo lamang. Bihasa din sila sa paghahawak ng mga espada at paggamit ng mga hightech na kagamitan..

Ang bawat kaharian ay pinamumunuan ng mga Royal Blood Vampires na mas mabibilis,maliksi at mas magaling na bampira kumpara sa mga ordinaryong bampira na nasasakupan nila.

Tahimik na namumuhay ang mga tao at bampira, May mga kapangyarihan nga lamang ang mga bampira hindi tulad ng mga tao.

Ang mga bampira ay makakakuha lamang ng dugo direkta sa tao kung pinahintulutan sila nito. Ito ang pangunahing Batas ng mga bampira

O kaya naman pwede sila magbili ng dugo sa Blood Bank o maghire sila ng mga tao na nagbibigay ng dugo sa mga ito. Ang tawag sa kanila ay mga Blood Provider. Malaking halaga ang nakukuha nila kapalit ng kanilang dugo. Ginagawang business ito ng mga tao.

 Pwede naman kumain ng mga pagkain ng tao ang mga bampira pero hindi sila halos nasasatisfy nito kumpara sa dugo ng tao o hayop. Pero ibayong lakas ang naibibigay ng dugo ng tao sa bampira, pero pwede naman mapunan kahit papano ang gutom nila kapag umiinom sila ng mga alak at wine.

 Ang WHITE ELF ay pinamumunuan ng matalino at patas na hari na si King Victor at ng kabiyak niya na si Queen Eliza na naglilihi na sa kanilang magiging unang supling

Queen Eliza's POV:

Masama ang nararamdaman ko, nahihilo ako at nasusuka kaya nagpapahinga ako ngayon sa aking kwarto. Ang dati kong paboritong pabango ay nababahuan ko na." H A A A YYYY.....! ang Hirap ng ganitong kalagayan ... swear mga teh!!! =)" pero grabe napapansin ko ang takaw ko na kumain ngayon lalo na yung rare steak  na medyo dumudugo pa yong halos pinadaan muh lang sa apoy, tapos bubudburan mo lang ng konting asin at kalamansi uhhhhmmmm YUMMM! ! !  Teka nararamdaman ko nanaman ang gutom!

HANUBAYAN! sinasabi ko na nga ba... kakatapos ko lang kumain ng  3 kilong steak ! TAKE NOTE 3 KILO T_____T nagugutom na naman ako =(((...... tinawag ko ang akin utusan...pagkalapit niya sinabihan ko agad siya. ''pakisabe sa kusinero natin pupunta na ako sa baba ihanda kamo ang paborito kong pagkain..."

pagkatapos magsabi ng utasan na "masusunod po reyna Eliza"

pagkasara niya ng pinto ilang segundo lang ay dumating ang aking asawa na si King Victor.

"Ayos ka lang ba mahal ko? Hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo sa magiging baby natin?" aniya.

"Kaya ko pa naman kahit papano mahal, halika sabayan mo ako pumunta sa baba nagugutom ako eh.. salohan mo naman ako" ang sabi ko naman.

MIDNIGHT: A Long Lost Heiress (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon