THE RETURN

150 4 2
                                    

3RD PERSON'S POV

PRESENT TIME....

Sa kaharian ng mga Blue blood pagkatapos lumipas ang halos 18 taon pagkatapos ng digmaan,,ay nakasakay sa kabayo si Price Miguel mula sa kaharian papunta sa pinaka bayan upang magliwaliw... Dahan dahan lamang ang pagpapatakbo nito ng kabayo...at tumitingin tingin sagilid ng daan kung saan marami ang namimili ng mga paninda mula sa mga pagkain at mga kagamitan. Maramingnaglilingunan na mga kadalagahan at kinikilig tuing ginagawa niya iyon. Kasama niya ang mga ilang kawal na itinuring na niyang kaibigan simula pagkabata.. Napakagwapo nito at matikas ung pangangatawan at malaki ang katawan nito yung parang katawan ni Chris hemsworth na si Thor. Malamlam ang mga magagandang mata nito matangos ang ilong at pagngumiti ito tlagang kikiligin ka. Seryoso ang hitsura nito lagi, miminsan ay ngumingiti din ito..

Maraming kadalagahan ang nagkakagusto yung iba ay mula pa sa ibang mga kaharian..malakas din ang pagkagusto dito ni prinsesa  Bell ng Silver blood. lagi niya ito nakikitang nagpapacute lalo na pag may mga celebration kahit saang kaharian at lahat ng royal bloods ng bawat kaharian ay imbetado. Lagi na rin siya tinatanong ng kanyang ina na si queen Mikaela bakit wala pa raw siya ipinapakilala na babae sa kanila na napupusuan niya. Hindi niya rin alam kung bakit siguro dahil wala sa mga ito ang gusto niya o napupusuan niya na gusto niya maging girlfriend o maging kabiyak.. napakailap lang siguro ng pag-ibig sa kanya. Malakas ang pangangatawan ni Prince Miguel at dahil na rin sa pageensayo niya at ng kanyang mga magulang kung bakit naging ganun siya kahusay malakas din ang pandama niya lagi siya dinadala ng kanyang ama sa kagubatan para magsanay kung may mababangis na hayop man o mga kalaban na makakatunggali niya.

Nakaraang 2 weeks lang ay palihim siya dinala ng ama niya sa gitna ng gubat kung saan sinabi sa kanya ang mga sekreto nito at ng hari reyna ng white Elf.. siya raw ang susundo ng palihim sa anak nitong idinala sa kabilang mundo para mailigtas.. nagulat din siya dahil akala niya patay na ang nag-iisang anak ng hari at reyna ng white elf... yun pala ay inililihim lang ng mga ito para din sa kaligtasan ng anak ng mga ito at para sa kaligtasan ng lahi nila dahil nakasaad sa propesiya na ito ang gagapi sa lahat ng masasama. At nghinge ang mga ito ng mapakalaking tulong sa matalik na kaibigan nito.. na ang kanyang ama. 

Naalala pa niya ng nakita niya ang napakacute na baby na si princess Cailey nung bata pa siya.. masarap sa pakiramdam niya ng nakikita niya itong masaya. Gusto niya itong protektahan laban sa kahit na ano. napapaisip siya minsan ano na kaya hitsura nito..maalala pa kaya sila nito? malamang hindi.. dahil ilang buwan pa lang ito ng akala ng karamihan ay napatay..iyon pala ay itinago lang, inilayo ,itinakas....

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

SA KAHARIAN NG WHITE ELF

" Mahal.... sabik na sabik na akong makita ang ating anak anu na kaya itsura niya? lagi ako nakatingin sa kalangitan gabi2x, kinakausap siya sa aking isipan.. sana hindi siya masuklam sa aking ginawa.. pagbalik niya babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko.. tiniis ko na hindi ko siya nasilayan sa kanyang paglaki..sana mabubuting tao ang nakakuha sa kanya..Ipinaayos ko na ang kanyang kwarto..pinapinturahan ko na rin..anu ba kulang pa ba iyon mahal ko? Mag suggest ka naman natataranta na ako.." excited at natatarantang wika ni Eliza sa asawa habang nsa pintuan ng magiging kwarto ng kanilang nawalay na anak..akbay akbay ni Victor ang kanyang asawa na halos yakap niya na.. "sobra sobra na yan lahat ng inayos mo mahal ko..tama na yan" natatawang wika ni Victor " Ang importante makakasama na natin siya at matupag ang nakasaad sa propesiya para matapos na ang lahat ng kaguluhang ito." saad ni Victor. Lumapit sa closet si Eliza para tignan ang mga ilang dosenang damit para kay Cailey..pang elf ang mga kasuotan nila na parang pangfairy yung tulad sa tinker bell..ibang iba ang uri ng pananamit ng mundo nila hindi tulad sa mga pananamit ng ng mga tao sa earth. May mga gown din na para sa prinsesa na mga long sleeves ang tabas na pangprinsesa talaga. Masarap sa pakiramdam ni Eliza pag ginagawa niya ang mga simpleng bagay na ito para sa kanyang anak..

MIDNIGHT: A Long Lost Heiress (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon