Chapter 1

144 2 0
                                    

Mariella's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang park. Sobra na kasi...



Sobra na ang kanyang ginawa sa akin.


Buti nalang talaga, walang tao dito ngayon.


Umupo ako sa may swing at doon ko iniyak at binuhos ang aking galit.


Ilang taon nang nakalipas simula nung una kaming nagkita. Inassign nila akong assistant tuwing may photoshoot siya. Mayaman nga ang aking pamilya, pero dahil sa isang pagkakamali ko ....

---

*flashback*

Yaya: Mariella, gising na! Grabe namang batang 'to! Alas dos na ng tanghali, hindi ka pa rin gumigising diyan! Dapat masanay kang gumising nang maaga, kasi ang tagal mong magbihis tapos ang tamad mo pang bumangon. May dinner pa kayo nina dad mo mamaya, diba ??

Ako: Ya, mamaya. 5 minutes.

Yaya: O'siya sige.


pagkalipas ng 5 minutes...


Yaya: Mariella! Tapos nang 5 minutes, oh! Ako ang papagalitan ng tatay mo kung hindi ka pa rin bumabangon.


Hinila ni Yaya ang aking kumot at tiyaka hinila na rin ako habang ako naman, nakahawak pa rin sa headboard ng aking kama.


At dahil na rin sa inis na inis na talaga ako, sinigawan ko siya at sinabing: "YOU ARE FIRED AND YOU'RE SO GONNA PAY FOR THIS!!"


Yaya: Alam mo, tinitiis lang talaga kita! 6 buwan ko na dito, at ako na rin ang pinakamatagal na katulong dito sa bahay niyo! Sobra ka na talaga! Kung ganyan ang ugali mo, wala talagang magtatagal sa kakabantay sa'yo! 16 years old ka na, tapos may nagbabantay pa rin sa'yo! Akala mo siguro, hindi ako marunong mag-English, noh !? WELL, FOR YOUR INFORMATION, I RESIGN!


Magwa-walkout na sana ako, pero pinigilan niya ako.


Yaya: Diba, ako ang huling nagsalita? Ako nang magwa-walkout. Pagsabihan pa akong magnanakaw.


Nag roll eyes nalang ako at padabog na sinara ang pinto.



*Kryp Restaurant*


Pagkapasok namin, agad-agad akong pumunta ng CR at nag-ayos.


Pagkalabas ko, nag-uusap na sina Dad at Tito Travis.


Tito Travis: Ohh.. There you are.

Ako: Hello, tito. So... what were you talking about?

Tito Travis: I see that you need a job for now, right?

Ako: Opo. Pero...

Tito Travis: Huwag kang mag-alala, iha. It's just a temporary job.

10 WAYS TO FORGET YOUR CRUSH (one-shot, on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon