Prologue

1 0 0
                                    

Masaya akong nakilala kita. Ikaw ang nagpapangiti sakin na di kayang gawin ng iba. Minahal kita sa kung sino ka at ganun karen sakin. Mahirap akong mahalin pero nagawa mo. Ang mahalin ka ang pinaka magandang nagawa ko sa buong buhay, sinisinta ko. Mag-kita sana tayu sa huli. Nais kong makasama ka hanggang pagtanda, sana ay magkita tayu ulet paglabas natin.

-C.

Tulala ako ngayun habang umiinom ng kape. Hindi ko na alam kung ano ang ipipinta ko. Dapat akong makaisip ng mga unique paintings para manalo sa competition. Kailangan ko ang pera nayun para mabilhan ko ng mamahaling bag ang kapatid ko, malapit na ang kaarawan niya at gustong gusto niya ng luxury bag na gift.

Napatingin ako sa labas, mga dumadaan na mga sasakyan at motor. Nakita ko den ang mga taong tumatawid sa kalsada, habang ang iba naman ay naglalakad. Gabi na pero marami paren ang mga tao sa labas. Nasa pangatlong palapag lang ako sa apartment ko kaya kitang kita ko ang mga tao sa labas.

Napa isip ako, sa mga tao dito mayroong single at taken. Sino kaya ang mga taken dito? Napalingon ako sa Babae at lalaking naglalakad habang magkahawak ang kamay, dala naman ng lalaki ang bag ng babae. Lord when, stress ba ako sa buong buhay ko lord? Napa iling ako sa aking tanong, wag naman sana.

Matagal akong nakatangin sa labas ng aking bintana. Nang biglang may tumawag. Si Amber, friend ko tumatawag. Sinagot ko eto at saka nilagay ang aking cellphone sa aking tenga.

"Hi Delle, Bukas pupunta tayu sa museum"ani neto sa kabilang linya

"Hello, bakit anung gagawin natin don teh?"tanong ko

"Hindi koden alam kay Sir"

"Sige anung oras ba?"sinabi ni amber sa akin ang oras at bago pa namin tinapos ang tawag ay may chismis pa eto sakin. Nang tumagal kailangan na daw niyang matulog kaya tinapos na namin ang tawag.

"Naku naman eto talagang si Sir oh naisipan pang papuntahin kami sa museum, andami ko pa kayang gagawin bukas!"napabuntong hininga nalang ako at saka napahiga sa aking higaan. Matutulog na sana ako dahil maaga kami bukas nang biglang may nag text.

"Bukas, wag kang pupunta sa museum."

Nag-tataka akong napatingin sa text neto. Sino bato? panu niya nalaman ang number ko? at bakit ayaw niyang pumunta ako sa museum bukas? madaming tanong sa aking isipan at naisipan ko nalang na baka wrong sent lang siya or kung hindi man, scammer to. tss andami ng scammer ngayun, kunware nanalo ka daw sa isang raffle tas scam lang pala.

Bumalik nalang ako sa paghiga at natulog na.

Nagising ako sa ingay ng aking Alarm. Bat koba naisipang bumili ng Alarm Clock, umagang umaga binibwiset ako! Naalala ko ngayun ay pupunta kami sa Museum kasama si Amber kasama ang iba kong Painter Friends at Mates. Agad akong napabalikwas sa aking higaan. Ayaw ko nang ayusin yun tinatamad ako tas binwiset pako ng Alarm Clock nayan. Dapat ko na talagang itapon ang bagay nayan.

Naligo na'ko at Nag bihis naren. Nag-suot lang ako ng puting t-shirt tas brown color naman ang pang ibaba ko na abot hanggang paa. Sinuot ko na yung sapatos ko saka umalis. Kumain nalang ako ng burger na binili ko kahapon. Wala na akong oras para mag-luto, matagal pa ang byahe patungong museum.

Naghintay na'ko ng Bus. Saan na ba yung mga Bus? Tinignan ko ang cellphone ko kung anung oras na, dapat may bus nang dadaan para di ako malate! Meron naman akong relo pero sira eto, pero sinusuot ko paren para mag-mukha akong maangas. Napatawa nalang ako dahilan para mag mukha akong baliw.

8:00 na, sakto namang may tumigil na Bus. Sumakay nako saka umupo, Miyerkules ngayun kaya walang ganung sakay ang mga Bus ngayun. Nakalimutan kong dalhin ang headset ko! Mag-eemote na sana ako with music. Pero nakalimutan ko namn yung headset ko, nakakahiya naman kong mag pa music ako dito. May natutulog baka sampalin ako.

Painting's ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon