Wednesday 8:00 AM...
Nasa jeep na si Ghiczelle papasok sa school, wala naman syang masyadong gagawin. Kaya tamad na tamad siya, ewan din nya kung bakit ganito ang pakiramdam niya. Magkikita pa naman sila ni GL ngayon. Biglang may kulay puting Elantra ang muntik nang mabunggo ng jeep na sinasakyan niya. Halos mapasigaw siya sa pagkabigla. Ang akala niya ay GL yun. Puting Elantra kasi ang kotse nito. Pero biglang bumukas ang bintana at isang matandang lalaki ang nagddrive nito. Nag-sorry ang lalaki at umalis na. Bigla na namang kinabahan si Ghiczelle.... kaba na parang di sya makahinga.
Ghiczelle POV:
"Naku naman, sa dinami daming kotse dito sa Pilipinas ay bakit naman kasi sa Elantra pa kami muntik mabangga kanina....Kinabahan tuloy ako baka di makaluwas si GL.... baka pinagalitan na naman sya ng Mommy nya....
"Grabe,,, naalala ko na naman ang Mommy ni GL, mainit talaga ang dugo nya sa akin,,, sabagay di ko naman sya masisisi. Dahil marami pa naman talagang nakakahigit kaysa sa akin."
"Yung mga parents ni GL, kahit kelan ay di ko pa nameet in person!!! Sa picture lang. Di naman kasi ako welcome sa bahay nila, buti pa yung mga kapatid nya eh nakilala at nakasundo ko ng lahat... Ni anino ng Mommy at Daddy nya ay di ko pa talaga nakita."
"Ang sentiments ko lang naman eh sana kilalanin muna nila ako bago husgahan... Yun lang naman,,, pero hayaan mo na,, dadating din ung time na matatanggap din nila ako.."
"Oh sya tama na muna ang drama,,, nakangisi na sa akin ang 3 frienfships ko"
♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧
Palapit na si Ghiczelle sa bench kung saan nakatambay sina Aimee, Ice at Dwine.... Nagtatawanan ang tatlo, habang papalapit si Ghiczelle.
"Anu naman ang tinatawa tawa nyo dyan?" sbi ni Ghiczelle.
"Wala naman my dear friend, ang haba lang talaga ng hair mo!", si Dwine.
"Oo nga, nakakainggit ka!", sabad ni Ice.
"Pero kahit anung gawin mo, malaking X ka pa rin kay Mother in law mo,,, hahahaha", sabi ni Aimee.
"Anu ba yun?" Sabi ni Ghiczelle sabay batok kay Dwine..
"Ayun oh",,, Puntahan mo na at baka matunaw ang kagwapuhan kahihintay sayo, kanina pa yan alas siyete dito.." sabi ni Ice sabay nguso sa parking area ng school na malapit sa bench na kinatatayuan nila.
Si GL pala un, nakasandal sa kotse nito at may hawak na bouquet at teddy bear. Di na naghintay ito at lumapit na rin sa bench nila.
"I miss you", sbi ni GL at abot ng bulaklak at teddy bear.
"Thank you", sagot naman ni Ghiczelle.
"Grabe,, 2 hours kang naghintay GL tapos un lang ang sasabihin sayo? Kung syota ko yan malamang kanina ko pa yan iniwan!", pang-aasar ni Dwine.
"Tama na yan, sumama na lang kayo sa amin, maaga pa naman, punta tayo ng Nuvali!", yaya ni GL sa tatlo.
Ice POV:
Masaya sa pakiramdam na magkakasama kaming lahat ngayon. Masaya ako para sa bestfriend kong si Ghiczelle, sinabi ng prof kanina na Magna Cum Laude siya. Qualify din ito na magkaroon ng opportunity overseas. Proud ako sa kanya kasi ginagawa nya ang lahat para mabago lang ang tingin sa kanya ng Mommy ni GL. Napakaswerte ni GL para mahalin ng isang gaya ni Ghiczelle. Kaya nga buo ang suporta ko sa relasyon nila.
Magsasaya kami ngayon, magcecelebrate kami. Gagraduate na kami next month. Ngayon pa lang ay susulitin ko na ang oras na kasama sila, ang mga kaibigan ko, na kasama ko sa lahat ng oras, sa hirap, ginhawa, sa saya at lungkot.
Aimee POV:
Hindi man namin classmate si GL ay isa siya sa mga kaclose ko. Bf siya ng kaibigan kong si Ghiczelle. Sa totoo lang, mabait si GL, mayaman ito pero walang kaere-ere sa katawan. Napakasimple lang nito, nahawa yata sa kasimplehan ng kaibigan namin. Hahahaha,,, Sa loob ng limang taon, ay saksi ako sa pagmamahalan ng dalawang yan. Pati nga ako ay naiiyak kapag pinaghihiwalay sila ng Mommy GL. Bruhang matanda yun, kundi lang sya nanay ni GL, ay sinumpa ko na sya. Tumawag ba naman kay Ghiczelle at sabihan itong basura! Layuan daw nito ang anak nya, dahil hanggat nabubuhay sya ay hindi magiging Fuentebella si Ghiczelle.
Dwine POV:
Weird ang pakiramadam ko! Bakit???? Para kasing huling lakad na namin itong lima na magkakasama at magsasaya... Erase,, erase! Ayoko ng bad vibes!!!
Sa totoo lang, nalulungkot ako dahil next month ay gagraduate na kami. Pero ok na rin kasi matupad na ang pangarap namin. Mamimiss ko ang mga moments na tulad nito, mamimiss ko ang lovelife nila GL at Ghiczelle, mamimiss ko ang katangahan ni Ice, mamimiss ko ang kaharutan ni Aimee!!!!◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇
BINABASA MO ANG
FALL ALL OVER AGAIN
RandomFour years may have passed,,, pero di pa rin makalimutan ni Ghiczelle si GL.... At sa di maipaliwanag na dahilan ay nagkrus muli ang kanilang mga buhay... Bakit nga ba? Closure?? Unfinished Business?? Forgiveness?? or Another chance to fall all ove...