App: Messages
April 17, 2020
8:28 PMMama
Anong oras na, Eli! Wala ka bang balak umuwi? Nasaan ka ng bata ka!
Ma, nandito pa po ako sa school. Hindi po ako makauwi kase malakas po ulan
Hindi ba 5 pm uwian nyo? Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Eli!
Hindi ka na nga kasama sa honor sa classroom nyo tapos dis-oras ka pa ng gabi umuuwi!
May emergency lang po, Ma. Sakto noong kalabas ko sa gate ng school biglang umulan nang malakas.
Medyo nahirapan lang din po ako ngayong quarter kaya hindi po ako kasama sa mga honors
Huwag po kayo mag-alala, babawi po ako ngayong quarter.
Dapat lang, Eli! Mahiya ka sa amin ng papa mo! Buti pa iyong anak ni Janice kasali sa with honors.
Umuwi ka na
Opo, Ma. Hintayin ko lang pong tumila ang ulan.
I love you, Ma.
Sent