App: Messages
April 17, 2020
8:38 PMMama
Maa, pasundo po kay Papa
Maaa
Mamaaa, pasundo po kay Papa
Wala na bang jeep?
Mayroon pa po. Pero pwede po ba pasundo kay Papa?
Medyo late na po kase at punuan po kaya 'di ako makasakay
Hindi mo ba kayang maghintay?
Delikado ang mag drive sa Papa mo ngayong gabi lalo na at malakas ang ulan
Si Kuya po? Pasundo na po ako, please.
Hindi pa umuuwi galing sa trabaho ang Kuya mo. Mag hintay ka na lang ng jeep
8:43 PM
Ma, pasundo na po, please. Natatakot na po ako
Bakit ba, Eli! Ang kulit mo. Sinabi ng mag hintay ka na lang ng jeep
May nag chat po kase sa'kin, Ma. Medyo creepy lang po.
Susunduin ka na raw ng papa mo. Ang kulit mo kaseng bata ka!
Sabi po nya kapag wala raw po akong kasama hanggang 9 pm lalapitan nya raw po ako at isasama sa motel
Oh tapos?
Natatakot lang po ako, Ma
Ano bang kaartihan 'yan, Eli?
Sumasakit ulo ko dahil sa'yong bata ka! Hintayin mo na't susunduin ka na raw ng Papa mo
Talaga po, Ma? Sge po. Salamat
9:00 PM
Ma, tulongg
Maaa
Mamaa, tulungan nyo po akoo
Mahal ko po kay
Sent