Halos limang milyong Pilipino ang nawalan ngtrabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa Department of Labor andEmployment (DOLE). Sa panahon ng pandemya, bumaba ang ekonomiya ng Pilipinas atmaraming mga Pilipino ang naapektuhan. Dahil dito, napilitang magsara angkaramihan ng mga establisyemento at maraming mga kabuhayan ang nasira. Dumaramina ang mga negosyong nagsasara dahil sa magkakasunod na lockdown at matindingepekto ng pandemya sa ekonomiya. Ang Matina Town Square na kilala dahil sa mgasikat na restaurant at bar sa compound ay napatahimik na dahil iilan na lamangdito ang nag-ooperate. Sa mga malls, maraming food stalls na rin ang nalugikaya mas pinili nalang na huminto sa pagtitinda. Isa sa mga lubusangnaapektuhan ay ang mga manggagawang Pilipino. Ang mga manggagawang Pilipino aynapilitang tumigil sa pagtatrabaho dulot ng kabi-kabilang lockdown atquarantine. Marami sakanila ang nawalan ng trabaho at kita sa gitna ngpandemya. Nagresulta ng kakulangan sa pinansiyal na pangangailangan ng mgaPilipino ang pagbaba ng ekonomiya.
Masasabi talaga natin na malaki ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng ating bansa. Mapapansin natin na madami naghirap at nawalan ng trabaho na nagresulta sa pagbaba ng ating ekonomiya. Nabawasan ang mga trabahador, natamaan ng sakit na Covid-19, at naipit naman sa quarantine at lockdown ang karamihan. Nagkulang ang ating bansa sa mga trabahador kung kaya't bumaba ang ating ekonomiya at nag hirap ang karamihan sa ating mga Pilipino.
Ang ibang Pilipino ay nahihirapan kung papaano sila mabubuhay dahil sa kagipitan. Ang iba ay nag-isip ng maaari nilang pagkakitaan. Mahirap man, pero kanila itong kinakaya. Kaya naman, hindi lang buhay ang pinapatay ng pandemya kundi pati na rin ang ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino.
BINABASA MO ANG
Pagbaba ng Ekonomiya sa Pilipinas: Resulta ng Pandemya
Non-FictionProyekto sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Paksa: Pagbaba ng Ekonomiya sa Pilipinas: Resulta ng Pandemya Mga layunin: • Ang mga mambabasa ay makakakuha ng kaalaman ukol sa sitwasyon ng ekonomiya sa Pilipinas. • Magkakaroon ng kamalayan...