Sanhi sa Pagbaba ng Ekonomiya ng Pilipinas: Resulta ng Pandemya

91 8 0
                                    


Patuloy pa rin ang paglaban ng ating mundo sapandemya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patuloy pa rin ang paglaban ng ating mundo sapandemya. Bawat bansa ay nagpapatupad ng panibagong pamamaraan ng pamumuhayupang makaiwas sa naturang sakit. Masasabing malaki ang naging epekto nito sabuong daigdig at isa na sa pinakanaapektuhan ay ang ekonomiya ng iba't ibangbansa. Isa ang Pilipinas sa bansang bumaba ang ekonomiya dulot ng pandemya.

Matatandaang Marso 2020 noong unang nagkaroon ng COVID sa bansa. Dahil dito ay agarang nagpatupad ng lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Sa paglipas ng mga buwan ay kinailangan ang lubos na pag-iingat kaya naman ilan ding mga lockdown ang ipinatutupad. Ang lockdown ang pangunahing naging sanhi ng pagbaba ng ekonomiya hindi lamang sa atin kundi sa iba pang mga bansa sa mundo sapagkat maraming mga negosyo ang naapektuhan. Mayroong mga maliliit na negosyong nagsara panandalian at mayroon ding permanente dahil sa pagkalugi. Ang isa pang dahilan ng pagbaba ng ating ekonomiya ay ang pagbaba ng level ng produksyon sa paggawa sapagkat limitado lamang ang mga manggagawang dapat magkakasama sa isang lugar. Ito ay upang magkaroon ng pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao ang bawat nagtatrabaho sa isang lugar katulad ng mga pabrika o opisina. Pangatlo sa mga naging dahilan ay ang limitasyon sa pagbiyahe at iba't ibang mga aktibidad sa bansa. Ito ang naging sanhi kung bakit humina ang pangangailangan ng mga mamili sa ating bansa na naging dahilan ang pagbagsak ng mga produktong ibinebenta ng mga kompanya ng Pilipinas sa ibang bansa. Humina rin ang turismo dahil sa mga travel ban kaya naman nakaapekto rin ito sa ating ekonomiya.

Ilan lamang iyan sa mga naging sanhi ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng pandemya. Masasabing malaki ang epekto ng pandemya sa bansa. Mula sa mga tao, negosyo, at maging sa uri ng pamumuhay ay mararamdaman ang pagbabagong dulot nito. Isa ito sa mga pagsubok na kinakaharap ng bawat bansa na dapat wakasan upang maibalik ang dating pamumuhay ng bawat isa at makabangon ang ekonomiya ng bawat bansa.

Pagbaba ng Ekonomiya sa Pilipinas: Resulta ng PandemyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon