Cassandra's P.O.V
Napabalikwas ako sa bed at naiyak. I saw him again. I saw him in my dreams.
"No no no. This can't be happening! No nooooooo!!"
Iniyak at sinigaw ko nalang lahat ng sakit na nararamdaman ko. He doesn't deserve this! He has been a good son, a good brother, a good friend and the best boyfriend. Narinig kong nagopen yung door ng room ko.
Si mommy, Min.
"Cassandra. Cass anak it's okay. Everything will be alright."
"Ang daya niya mommy. Ang daya! Sabi niya sa akin he'll never leave me. He'll stay with me forever. Mom sabi niya mawawala lang siya for a month pero ngayon I'll never see him for the rest of my life. This is unfair mie! It's so unfair!"
Iniyak ko lahat ng sakit. Niyakap nalang ako ni mommy at hinalikan niya ako sa forehead. I know I'm hurting her right now. Alam ko she never wanted to see me cry. But I just can't control myself. I'm hurting. It hurts.
"Cass honey, listen to mommy. Cassy it's an accident. Patrick didn't want this to happen. Anak hindi niya ginustong iwanan ka. I know he loves you so much."
"No mommy. No"
"Anak you have to understand that life is not permanent. All of us will leave this earth. It's just that nauna si Patrick. Kinuha na siya ni Lord maybe kasi tapos na ang mission niya dito sa earth. Anak, God has a reason."
Hindi ko alam kung ano yung reason.
"Honey, tonight is Patrick's last night. Hindi ka ba pupunta? "
Yumuko lang ako then tumingin sa bintana. I'm doing my very best para maging malakas pero kahit anong gawin ko I can't, I really can't.
"Anak I know Patrick wants to see you there. Alam kong he's waiting for you. So go get dressed okay honey? Dad and I will wait for you. I love you anak. I love you."
...
Nakatayo ako ngayon sa harap ng funeral chapel. I don't think I can see Patrick now. Not now neither tomorrow, next week, next month. No.
"Cassie hindi ka ba papasok anak?"
Nakatitig lang ako sa malayo. Ewan ko. Ayoko.
Nakita kong sumenyas si mommy kay daddy, Ted, kaya si daddy ang lumapit sa akin.
"Honey? Let's go?"
I breathe in and collected all my courage to talk.
"A-ah. Dad mauna na po kayo. Magpapahangin po muna ako. I think I need fresh air. 5 minutes."
"Okay honey. Make sure you'll be there in 5 minutes okay?"
I nodded.
"Yes dad."
Umupo ako sa isang bench. Tumingala ako, I stared at the stars and my tears started to fall once again.
"Why did you leave me? Sabi mo sa akin one month lang kasi may family reunion kayo sa US. Hihintayin pa ba kita after a month? Magpapakita ka pa ba sa akin? I don't know what to do. I really don't know what to do after this. Will I be happy again? Will my life come back to normal? You're making it so hard for me Patrick. I can't. I really can't.
Binalik ko yung tingin ko sa chapel and I saw someone approaching. If I'm not mistaken it's Steven, kuya ni Patrick. Yumuko lang ako nung malapit na siya. Naramdaman ko siyang umupo sa kabilang side ng bench.
"Hi Cassandra."
"Did you apologize to him?
Tumingin ako sa kanya. Alam ko kasi before nangyari lahat ng to nag-away silang magkapatid. Kwinento sa akin ni Patrick na may misunderstanding sila. Hindi niya kwinento sa akin ang whole story kasi simple lang naman daw yung away
"Sorry?"
"Before everything happened, you argued over something? I hope you apologized." Pinupunasan ko ang mga luga ko habang nagsasalita.
"Huh? Alam mo ba ang sinasabi mo Cassandra?"
"So you didn't? You didn't say sorry?" I laughed, a fake one.
"Ang saya naman. Namatay ang kapatid mo na hindi ka man lang nagsorry sa kanya."
Hindi pa rin nagsasalita si Steven parang na-shock siya sa mga sinabi ko. I stood up.
"Excuse me."
...
Umalis na ako sa tabi niya. I decided to be strong and tignan ang situation ni Patrick. Sinalubong ako nina tita Karla at tito Rom, parents ni Patrick.
"Iha. I'm so glad you're here." Sinalubong agad ako ni tita, niyakap at bineso.
Ngumiti lang ako kay tita. Lumapit ako sa coffin ni Patrick. Hindi ko pa man nakikita ang buong katawan niya, I started crying again. Niyakap ako ni tita Karla. She's telling me, everything's going to be alright. I stayed sa funeral chapel until the dawn. Gusto ko pa sanang mag-stay pero pinauwi na ako nila tita. Maaga pa ang libing bukas. I have to prepare myself. It will be the last time I will see him.
THE NEXT DAY
Nakapikit ako while holding a flower. Everyone's paying attention while Patrick's family are saying their eulogies. Napatingin ako nung si Steven na ang nagsalita. I don't know why mainit ang dugo ko sa kanya. Sa bunsong kapatid nila na si Lance okay naman ako pero sa kanya parang hindi ko kayang samahan siya buong araw. Maybe kasi hindi kami close kahit close sila ng boyfriend ko. I really feel strange kapag nakikita ko siya.
"Being Patrick's older brother is a big blessing for me. Parang magkaibigan lang kami niyan. Sa totoo lang, pare, brad, tol pa nga tawagan namin eh. Marami akong good memories kasama siya. Yun nalang siguro ang maitatago ko ngayon. Sabi ko nga para kaming magkaibigan. So kagaya ng mga magkakakaibigan, nag-aaway din kami ni Patrick. Minsan sa simpleng dahilan lang pero minsan malalim na yung dahilan. Actually days before he met the accident nagtalo pa kaming dalawa. Yun yata yung pinaka matinding away namin. Tinama ko siya sa isang matinding kasalanan na ginagawa niya. Sa ngayon, amin nalang muna ni Patrick yun. Kung meron man akong magandang nagawa sa kapatid ko, siguro isa yun. Yung nag-away kami dahil tinama ko siya, dahil tinuwid ko siya. Patrick, akong bahala sa mga taong naiwan mo ng hindi sinasadya. Wag kang mag-alala aalagaan ko si mommy, si daddy pati si Lance."
Nagulat ako nung napansin kong nakatingin siya sa akin.
"Sa mga kaibigan mo, sa mga taong importante sayo. Akong bahala sa kanila. Gagawin ko ang lahat para mapasaya sila. Patrick pare, brad, tol, kapatid, mahal na mahal kita."
Tinanong nila ako kung gusto kong sabihin ang eulogy ko pero tumanggi ako. Alam ko namang puro iyak lang ang gagawin ko. Natapos na ang ceremony. I was sitting on a chair nung yumakap sa akin si Lance, bunsong kapatid nila.
"Ate Cass?"
"Hi baby boy" I wiped my tears.
"Ate Cass I hope you're okay kasi kuya Patrick never wanted to see you cry."
Bakit alam na ng batang to ang mga ganitong bagay? Grade 4 palang siya pero alam niya kung anong nakakasakit sa mga kapatid niya.
"I'm trying my best baby boy. Don't worry. I'll be all right... soon."
Habang nag-uusap kami ni Lance napansin kong may isang babaeng dumating. May hawak siyang panyo habang umiiyak. Lumapit siya kay Steven. Naisip ko baka girlfriend niya. Tinititigan ko lang sila. Nakita kong tumingin sa akin si Steven kaya binawi ko ang tingin ko sa kanya.
Feel free to leave your comments, suggestions and violent reactions! Thank you! :)