KABANATA 21

20.1K 705 129
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 21:

THIRD PERSON'S POV

Walang nagawa si Nyx kundi mahampas na lang niya bigla ang lamesa dito sa resto bar ng kaibigan niyang si Jaeger dahil sa matindi niyang galit. Wala si Jaeger dahil napag-alamanan nilang nagpunta ito sa South Korea para asikasuhin ang ilan nitong importanteng business. Napatingin naman sa direksyon nila ang mga taong kumakain roon at umiinom na malapit lang sa kanilang pwesto. Ang iba ay bakas na natakot at nagtataka sa kanya kung bakit siya nagpapakalasing kahit na mataas ang tirik ng araw sa labas habang ang iba naman ay napapailing-iling na lang ng ulo dahil siguro sa iniisip ng mga ito na lasing na siya.

Wala rin naman siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Mabuti sana kung may maitutulong ang mga ito para ituro sa kanya kung nasaan ang babaeng kailangan niya at gustong-gusto niyang makita. Hindi rin niya mapigilan ang sarili na mapamura ng paulit-ulit sa kanyang isipan. Almost one week niya nang hindi nakikita si Estella. Iniwan siya nitong natutulog at hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na mas lalong ikinangitngit niya ng galit. Halos mabaliw siya sa kakahanap sa dalaga nang magising siyang wala na ito sa kanyang tabi.

Pinuntahan rin niya ito sa pinag-check-inan na kwarto ngunit wala na si Estella roon pati na rin ang mga gamit nito. Doon lang rin niya napag-alamanan na umalis na ito sa kanyang isla at kasama nito ang pinsan niyang si Lukas. Una niyang naisip na baka papunta si Estella sa airport para umuwi na sa New York kaya hindi siya nagdalawang-isip na sundan ang dalaga. Malaki naman talaga ang kapit niya, may koneksyon din siya at maimpluwensya siyang tao kaya naman wala siyang kahirap-hirap na makapasok sa airport na hindi siya hinaharangan ng mga guwardiya.

Inalam niya kung nakaalis na ba ng bansa ang babaeng mahal niya ngunit nakapagtataka nang malaman niyang walang Estella Madeline ang umalis ng Pilipinas. Nalaman rin niyang hindi pa ito nakakabiyahe pabalik sa New York kaya malaki pa ang pag-asa niya na narito pa rin ang dalaga sa Pilipinas. Nabalitaan rin niya mula sa mga kaibigan ni Estella na umalis na ito sa kompanya ni Lukas at kasalukuyan na itong magma-manage ng kompanya ng ama nito. Malaki ang kutob niya na nasa bansa pa si Estella, may hinala din siya na baka nasa Maynila lang ito kaya pinapahanap na niya agad sa private investigator niya ang dalaga.

Pati si Kade ay pinapa-imbestigahan na rin niya, nung nakaraang araw nga lang din niya nalaman na narito pa sa bansa si Kade para asikasuhin ang importante nitong trabaho. Sinubukan rin niya na puntahan ang dating bahay ni Estella, nagbabakasakali na baka naroon ito ngunit tulad ng dati ay katiwala lang ng pamilyang Madeline ang nakita niya roon.

Kung sana ay nauna lang siyang nagising ay hinding-hindi niya talaga hahayaan na umalis sa kanyang tabi si Estella. Hindi rin niya ito palalabasin sa resthouse niya at kung maaari nga lang ay ikukulong niya ito huwag lang itong makalayo sa kanya. Ayaw rin ni Nyx na maulit na naman ang nangyari noon. Gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda ang dalaga. Bukod tanging si Estella lang din ang gusto niyang makasama sa future.

Ito lang ang babaeng gusto niyang bumuo ng pamilya at sisiguraduhin niyang mangyayari iyon lalo pa’t may nangyari na sa kanilang dalawa na lubos niyang ikinatuwa. Hindi niya lubos maisip na maaangkin niya si Estella nung gabing iyon. Pinaubaya nito ang sarili sa kanya. Halos araw-araw niyang iniisip ang nangyari sa kanila sa penthouse. Bawat segundo, minuto o oras ay sumasagi sa isipan niya ang mainit na tagpong iyon. Tandang-tanda pa rin niya ang bawat detalye at sariwa pa sa kanyang alaala ang pagniniig ng kanilang katawan.

Dahil doon kaya mas lalong lumalim ang nararamdaman ni Nyx para sa dalaga. Her red lips that he would never get tired of kissing it. He also never gets tired of running his fingers over his skin which is soft and smooth like a porcelain. He can really say that Estella is sexy and has a perfect body. She was like a goddess in his eyes. Bonus na matalino ito at may mabuting puso kaya hindi niya hahayaan na makatuluyan ni Estella ang karibal niyang si Kade.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon