KABANATA 5

23.6K 780 152
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 5:

ESTELLA'S POV

Nakabusangot ang mukha ko buong biyahe dahil sa inaakala kong hindi ako aasarin ni Gabriel ay isang malaking akala lang pala. Halos minu-minuto na lang niya akong binubwisit at talagang malas ako dahil pati sa helicopter na sasakyan namin papunta sa isla ay si Gabriel pa ang makakasama ko. Nauna na sila Nat sa kabilang chopper bago kami sumunod. Kakarating pa lamang namin sa Pilipinas ay parang gusto ko nang umuwi sa New York. Mabuti na lang talaga at tumahimik na rin itong hayop kong pinsan. Gaganda sana ang araw ko kung nandito si Kade.

Mas matino pa ngang kausap ang manliligaw kong yun kaysa dito sa pinsan kong si Gabriel. Buti na lang din ay hindi pa ako sinasaniban ng demonyo at baka kanina ko pa hinulog si Gabriel sa eroplano. Mula dito sa sinasakyan naming helicopter ay kitang-kita ko ang magandang kalikasan lalo na ang kulay asul na karagatan. Marami-rami rin akong nakikitang mga nagmamaneho ng motor boat, yate at may mga water activities din katulad na lamang ng mga surfing, waterskiing at parasailing.

Sa sobrang abala ko sa pagtingin sa paligid ko ay namalayan ko na lang na pababa na pala ang helicopter sa helipad para lumanding. Nakikita ko rin sa ibaba na may mga taong nag-aabang. Nakilala ko naman agad si Cristiano base na rin sa suot niyang damit. Nang ligtas na nakalanding ang chopper ay naunang bumaba si Gabriel. Naparolyo pa paikot ang dalawa kong eyeballs nang alalayan pa ako nitong bugok na 'to na makababa sa chopper. Jusko! Feeling gentleman hindi naman bagay sa kanya!

Malakas ang hangin na nanggagaling sa pag-ikot ng main rotor blade ng helicopter. Pasalamat na lang ako dahil malayo sa pangpang ng dagat yung helipad na pinaglandingan namin. Ang helipad kasi dito ay napapalibutan ng mga malalaking bato at nasa ibaba lang ang dagat kaya naman walang natatangay na buhangin. Hinayaan ko na lang din si Gabriel nang pumulupot ang isa niyang braso sa beywang ko para alalayan akong makalapit kanila Nat na naghihintay sa amin.

Pero halos takasan ako ng lakas dahil sa matinding gulat nang mapunta ang atensyon ko sa lalaking napaka-pamilyar sa akin. Kahit na ilang taon na ang lumipas na hindi ko siya nakita ay hanggang ngayon ay kilala ko pa rin ang kanyang itsura. Si Nyx. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa helipad? Oo, alam kong siya ang may-ari ng El Deseo Bay na ito pero putek!

Pinagloloko ba ako ng tadhana? Pagdating ko palang dito sa isla niya ay makikita ko na agad siya? Buti na lang nakahawak si Gabriel sa beywang ko dahil kung hindi ay baka naestatwa na ako dahil sa pagkakagulat. Nyx just stared at me. Diretso sa akin ang kanyang tingin na animo'y pati kaluluwa ko ay tila gusto na rin niyang tignan.

"Hi, Gabriel Osmond and this is my girlfriend, Estella." nakangiting sambit ni Gabriel kay Nyx nang makalapit kami sa kanila sabay lahad ang kanyang kamay para makipag-shake hands.

Kung nagulat ako na nakita ko si Nyx ngayon, mas nagulat naman ako sa sinabi nitong ugok kong pinsan. Pati sila Mahann ay nagulat rin kay Gabriel. At hindi ko inaasahan na magpapakilalang boyfriend ko ang hinayupak na Gabriel na 'to. Walang tuloy ni isa sa amin ang nakaimik matapos magpakilala ni Gabriel. Gustuhin ko man na batukan itong pinsan ko ay mas pinili ko na lang na huwag magsalita. Akala ko ay hindi tatanggapin ni Nyx yung nakalahad na kamay ni Gabriel pero nagkakamali ako. Seryoso lang siyang nakipag-shake hands.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon