Sign 3: Bitter

12 2 0
                                    

Angel's Point Of View

*5 months Later*

"Hoy! Angel Hyuna Park? don't tell me wala ka nanamang balak galawin yang pagkain mo? Alam mo magkaka ulcer ka niyan mas malala pa sa Heart Ache!" 

Tinitigan ko lang yung pagkain ko habang ginagalaw galaw ko ito ng tinidor ko, "Ang sakit, Yums. Sobrang sakit. kahit 5 months na masakit parin alam mo ba yun?" I said habang sinusundot sundot ang pagkain ko 

"Ng alin?" tanong nya habang nginunguya nya yung pagkain nya, "Ng tyan mo? Baka natatae ka? Ibanyo mo lang yan tapos balik ka ulit dito pag tapos ka na." 

"Gaga. Hindi ako natatae, hindi tyan ko ang masakit." 

"Eh alin? Puson mo? Baka meron ka?" 

Isang napakalalim na Face Palm mga dre!, "Eeee. Hindi yun! Yung puso ko! Ang sakit ng puso ko!" 

"Aaah." walang gana nyang sabi, "Gusto mo tanggalin ko na yang puso mo ng wala ng masakit? Wait ah, kunin ko lang dito sa bagpack ko yung gunting ko..." 

Yumuko sya at umaktong may kukunin sa backpack nya, pinigilan ko ito, "Wag! Ayoko! Ayoko pa mamatay!" 

"Eh ang arte arte mo eh, sabi mo masakit puso mo. Para walang masakit, tatanggalin ko na lang yan!" 

"Napakasadista mo talaga!" 

"Atleast hindi ako katulad mong tanga, ang tagal tagal nyo ng break ng boyfriend nyo! magfa-five months na hindi ka pa rin makaget over!" 

"Hindi naman ganun kadali yun eh." 

[EXO] A Sign From The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon