-- 27 --

413 16 3
                                    

This was what Toni needed. A break. The place was just so perfect. Ang ganda ng dagat, asul na asul. Pinong-pino ang buhangin. Maging ang simoy ng hangin ay nakapagpapapayapa ng kanyang damdamin. Na-miss din niya ang amoy ng dagat.

Nilanghap niya ang sariwang hangin. Napangiti siya. 

"Okay ka na?" Si Chinchin.

"Ha? Okay naman ako, bakit?"

"Yung mata mo…"

"Nakatulog kasi ako,"

"Sus! Wag ako." Nakairap ngunit natatawa nitong sabi.

Natigil ang kanilang usapan nang dumating si Michael.

Ang lahat ng gastusin sa outing nilang iyon ay sagot ng kanilang paaralan. Maliban sa magandang lugar ay masasarap na pagkain din ang inihain sa kanila.

"Wala man lang pool?" Si Eman.

"Eh di sana hindi na tayo nag-Subic kung magpo-pool lang din pala tayo." Ginaya ni Chinchin ang sinabi ng binata sa bus.

Nagtawanan ang lahat. Masayang kwentuhan ang isinabay nila sa pagkain.

Nagpahinga lamang ang mga guro pagkatapos nilang kumain. Matapos ang ilang sandali, kahit tirik pa ang araw ay nagsipaglubluban na ang mga ito sa dagat.

Nakatanaw si Toni sa mga gurong nagsisipaglangoy na kasama si Chinchin. Nakangiti siya habang nakamasid dito. 

"Hindi ka pa lalangoy?" Nagulat siya sa nagtanong sa kanya. It was Lorenz. Tumabi ito sa kinauupuan niya.

Umiling siya. "Mainit pa."Saglit niya lamang itong tiningnan.

Ngumiti ito. "Yah, mainit pa masyado." He was trying to prolong the conversation. "Natawagan ko na nga pala si Tita, nasabi ko na nandito na tayo."

"Ahh… Hindi ako agad nakapagtext sa kanya. Nalimutan ko." Tumingin siya sa mga mata ng kausap. Nagkamali siya sapagkat muli ay nag-uunahang zombie ang tila tumatakbo sa kanyang dibdib.

Natuwa siya kahit paano na may contact pa rin ito sa kanyang ina. Mula nang hindi na niya gaanong kinakausap si Lorenz at hindi na sya sumasabay na pumasok dito, nagtataka rin siya kung bakit hindi man lamang nagtatanong ang kanyang ina tungkol dito. At least, he respected her mother. Hindi niya tuwirang inilahad sa kanyang ina ang mga pangyayari dahil hindi niya pa kayang maging ito ay masaktan. Yun nga ba? O baka hanggang ngayon ay umaasa pa siya.

"Okay ka lang?" She looked at him. "Kanina, sa bus… parang…"

"Ha? Ano?" Nagmaang-maangan siya.

"No, wala. Nag-eenjoy ka naman?"

Tumango lamang siya. "Ikaw, hindi ka pa magsiswimming?"

"Tara?" 

"Sige na, mauna ka na. Mamaya na ko." Nakangiting tugon niya.

"Okay." Nakangiting sabi nito. "I'll go." 

"Sure." Nakangiti siya rito. Hindi na niya sinundan ng tingin ang pag-alis nito.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Why did she turn him down? Hindi ba yun naman ang gusto mo? "He's just being nice and considerate." Bulong niya sa sarili. 

Maya-maya ay nakita niyang papunta na rin si Lorenz sa dagat. Kasama nito si Lailanie at iba pa nilang kasamahan na nagpahinga rin muna.

"Oh ano?" Bulong niya sa sarili. "Arte pa." It was still hurting. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now